Scheduling ng pamamalengke sa Baguio City inalmahan ng ilang residente

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Scheduling ng pamamalengke sa Baguio City inalmahan ng ilang residente

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

Clipboard

Batay sa obserbasyon ng mga residente, lalo pang nagkukumpulan ang mga mamimili at hindi napapanatili ang physical distancing. Photo courtesy of Albert Manangan

BAGUIO CITY — Pumalag ang ilang residente ng lungsod na ito dahil sa ipinatupad na window hours at scheduling ng pamamalengke sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon kontra pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Noong nakaraang Lunes ipinatupad ang kada distrito na "marketing day" at "window time" na layon sanang mabawasan ang dami ng tao sa mga palengke.

Pero batay sa obserbasyon ng mga residente, lalo pang nagkukumpulan ang mga mamimili at hindi nasusunod ang physical distancing. Mas pahirapan din daw mamili.

"Ang iba nauubusan ng produkto," ani Oira Jahzen.

ADVERTISEMENT

Hiling ng ilan, tanggalin ang scheduling sa pamamalengke at magtakda na lang ng curfew.

Suhestiyon naman ng ilang netizen na magkaroon na lang ng "rolling store" para maiwasan ang dami ng tao sa palengke.

Isa pang hirit nila ay mag-deliver na lang daw ng gulay ang mga supplier sa bawat barangay.

Wala pang komento si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa reklamo ng mga residente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad