'Jericho March' ikinasa ng mga tagasuporta ni CJ Sereno

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Jericho March' ikinasa ng mga tagasuporta ni CJ Sereno

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Isang kilos protesta ang ikinasa ng mga tagasuporta ng punong mahistrado sa Biyernes kasabay ng pagboto ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa petisyong gustong ipawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Tinawag ng Coalition for Justice, na binubuo ng 60 grupo mula sa iba't ibang sektor, ang kanilang protesta na isang "Jericho March" na magsisimula alas-4:00 ng madaling araw sa harap ng Korte Suprema sa Padre Faura, siyudad ng Maynila.

Giit nila, dapat ibasura ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General dahil ayon sa Saligang Batas, tanging impeachment lamang ang paraan para paalisin sa puwesto ang sinumang punong mahistrado.

Gusto ng Solicitor General na ipawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Sereno dahil sa umano'y kabiguan nitong magsumite ng ilang statement of assets, liabilities, and net worth nang mag-apply ito para sa posisyon.

ADVERTISEMENT

Giit naman ni Sereno, hindi niya hawak ang hinahanap na SALN na mula pa pala sa kanyang mga panahon ng pagtuturo sa University of the Philippines. May ilan na aniyang narerekober na SALN ang kampo ni Sereno kaugnay sa reklamo.

Samantala, bumalik naman ngayong araw sa Korte Suprema si Chief Justice Sereno matapos ang dalawang buwang leave of absence.--ulat mula kay Robert Mano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.