Staff ni Jana Ejercito, inimbitahan sa istasyon ng pulis dahil sa bangus distribution | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Staff ni Jana Ejercito, inimbitahan sa istasyon ng pulis dahil sa bangus distribution

Arra Perez,
ABS-CBN News
Published May 14, 2020 09:50 PM PHT
|
Updated May 14, 2020 10:56 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Ipinatawag sa San Juan police headquarters nitong Huwebes ang staff ni San Juan Councilor Jana Ejercito dahil umano sa kawalan ng permit sa gagawing pamimigay ng bangus sa Barangay West Crame.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay San Juan Police Chief Police Col. Jaime Santos, sinabi niyang may concerned citizen na tumawag sa pulisya ukol sa gagawing bangus distribution sa West Crame.

Bandang 5:30 ng hapon nang respondehan ito ng pulisya at inabutan ang staff ni Ejercito at ng isa pang government official na mamimigay ng bangus.

Ayon kay Santos, ipinatawag sila sa police station upang beripikahin kung may permit, pero walang naipakitang permit ang staff ni Ejercito. Pumunta sa police station ang konsehal upang alalayan ang kaniyang staff.

Binigyan ang staff ng violation ticket para sa paglabag sa polisiyang manatili sa bahay habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Nakaalis na rin sa istasyon ng pulisya ang nasabing staff bandang alas-8 ng gabi.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Ejercito na bilang incumbent official, dapat ituring na rin ang kanilang staff bilang authorized person outside of residence.

Aniya, wala na dapat hinging permit sa kanilang staff. Giit ni Ejercito, hindi nila kayang gawin ang lahat at nariyan ang staff nila para tumulong lalo na tungkol sa pangangailangan ng mga residente.

Ayon naman kay San Juan Mayor Francis Zamora, magbibigay siya ng pahayag mamaya, dahil kasalukuyang nasa pulong siya ng Inter-Agency Task Force members at Metro Manila mayors.