Makabayan bloc nabawasan sa Kamara; pag-amyenda sa party-list sytem isinusulong

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Makabayan bloc nabawasan sa Kamara; pag-amyenda sa party-list sytem isinusulong
Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published May 21, 2022 04:10 PM PHT

Ikinalungkot ng Makabayan bloc na nabawasan ang kanilang mga puwesto sa Kamara matapos lumabas ang resulta ng nagdaang eleksiyon.

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, mula anim, tatlo na lang ang puwesto sa Kamara ang maaaring makuha ng kanilang hanay.

"Parang nakakalungkot dahil wala na ang Bayan Muna, siyempre 'yung Anak Pawis pangalawang laglag na so parang very challenging sa amin ngayon dahil ang Gabriela Women's Party, ang (Kabataan party-list), at kami sa ACT-Teachers party-list, tatlo na lang kami ngayon na magsasaboses ng hindi lang sa aming sektor, hindi lang ng aming sektor din ng mga manggagawa, magsasaka, mga indigenuos people, mga urban poor na napakahalaga talaga, talagang karamihan sa marginalized sector naririto," aniya.

Binatikos din ni Castro ang komposisyon ng mga nanalong party-list groups ngayong halalan. "Karamihan diyan, kung hindi pulitiko, big business, ang mga representative o 'yung dating pulitiko na, 'yun 'yung mga representatives," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT
Ayon naman kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, hindi na naipapatupad ang tunay na adhikain ng party-list system.

"Pinapasok na 'yung kahit hindi underrepresented, mga sectoral group na ito, hindi malinaw kung ano ang kanilang nirerepresenta tapos hindi rin naging istrikto doon sa kung nominee iyan, dapat 'yung nire-represent niya na sector, siya ang embodiment nun," aniya.

Binatikos din ng dalawang mambabatas ang naging desisyon ng Korte Suprema noong 2013 na nagsasabing hindi lang para sa mga marginalized na grupo ang party-list system.

"Dahil sa Supreme Court decision na iyan, hindi na ganun ang tingin sa party-list. Ngayon ang sumasali, hindi na ganun ang katangian kaya 'yung sinasabi na sino-sino 'yung nasa top 10 ngayon o kahit top 6 pag titingnan mo kung ano ang kanilang nirerepresenta, maaaring galing sa big business galing sa political dynasty, contractor, meron pa nga mga may issue ng graft and corruption para doon sa mga nominees at mga magrerepresenta," ayon kay Brosas.

"Nag-file kami ng amendments doon sa party-list system para maibalik talaga 'yung espiritu nito kasi 'yun talaga 'yung pangmatagalang pang-combat sa decision ng Supreme Court," giit ni Castro.

Dapat din umanong matiyak na may track record na ang isang grupo bago ito payagang tumakbo bilang party-list.

"Hindi lang track record ng kanyang party-list, kailangan hindi siya overnight na na-create kasi nakalagay naman talaga dun na kailangan nagkakaroon ng assembly, dapat meron na itong track record pero hindi ito nangyayari so meron din sigurong problema tayo doon sa Comelec kung paano nila pinipili yung mga partylist na iaacredit nila," dagdag ni Castro.

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
Halalan 2022
2022 elections
Philippine elections
eleksyon
eleksyon 2022
polls
presidential race
politics
Comelec
France Castro
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT