SAPUL SA CCTV: Customer ng fast-food chain, ninakawan ng higit P100,000

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Customer ng fast-food chain, ninakawan ng higit P100,000

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 26, 2018 06:07 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

ANGELES CITY, Pampanga - Nakuhanan sa CCTV ang pagtangay sa bag ng isang customer sa isang fast-food chain sa Angeles City.

Laman ng bag ay 2,500 Canadian dollars o P100,000, P18,000, cellphone at ilang dokumento tulad ng passport.

Kuwento ng biktimang si Al Virgo, nangyari ang insidente noong Martes, Hunyo 19 nang dumaan sila sa isang fast-food chain para mananghalian.

Papunta sila ng airport para ihatid ang kaniyang ina na patungong Canada.

ADVERTISEMENT

Habang abala silang kumakain, nilagay niya ang bag sa isang upuan.

"Sabi ng mommy ko, mag-picture kami. Nung kukunin ko phone ko, wala na 'yung bag. Siguro mga 5-10 minutes lang," aniya.

Mapapanood sa CCTV ang isang matandang lalaki na may kasamang batang babae na nakaupo katabi ng biktima.

Dinampot bigla ng suspek ang bag at agad umalis kasama ang bata.

Ayon kay Virgo, may nagreport sa kanila ukol sa kaparehong insidente sa Aklan.

ADVERTISEMENT

Magkamukha rin ang matandang lalaki at batang babae sa tumangay ng kaniyang bag na nakuhanan rin sa CCTV.

"Masasabi kong may similarities...Gumagamit siya ng bata para magmukhang hindi suspicious," ani PO2 Rona Garganza ng Angeles City police.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. - ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.