Gulong sa kariton ng ilang Baclaran vendors pinabaklas ng MMDA
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gulong sa kariton ng ilang Baclaran vendors pinabaklas ng MMDA
ABS-CBN News
Published Jul 12, 2019 06:56 PM PHT
|
Updated Jul 12, 2019 07:29 PM PHT

Pinatanggal ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga gulong sa mga kariton ng ilang nagtitinda sa Baclaran, Pasay City nitong Biyernes.

Kasunod ito ng utos ng lokal na pamahalaan ng Pasay na ipagbawal na ang paggamit ng de-kariton na stall sa lugar.

Ayon sa MMDA, isang buwan na nilang inaaraw-araw ang paggalugad sa Baclaran para malinis ito gaya ng nangyari sa Divisoria sa mga nakalipas na araw.

Pero aminado silang sakit sa ulo ang paglalagpas umano ng ilang vendor ng kanilang stall kapag nawala na ang mga enforcer sa araw-araw nilang clearing operations.

"Yung kalsada is 'crineate' para sa sasakyan, hindi naman sa vendors," ani Jun Vialu, commander ng MMDA Task Force on Special Operations.

Sa pag-arangkada ng operasyon ng MMDA, pinagtutulak ng ilang vendor palayo ang kanilang mga stall para hindi sila masita.

LOOK: Mobile vendors at a sidewalk near the LRT Baclaran station in Pasay push their stalls away as MMDA enforcers clamp down on wheeled stalls following an order from local government pic.twitter.com/effnKAprhF
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 12, 2019

Pinabaklas din ng MMDA ang mga gulong ng mga stall na nakapirmi lang sa bangketa. Dahil dito, kusa ang paglalagari at pagsisira ng ilang vendor sa kanilang mga stall.

WATCH: A Pasay City street vendor pounds on his cart with a sledgehammer to remove its wheels and prevent MMDA enforcers from confiscating the cart. Another enforcer steps in to finish the job pic.twitter.com/nVLLdU0il0
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 12, 2019
WATCH: A Pasay City street vendor pounds on his cart with a sledgehammer to remove its wheels and prevent MMDA enforcers from confiscating the cart. Another enforcer steps in to finish the job pic.twitter.com/nVLLdU0il0
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 12, 2019
LOOK: This vendor voluntarily removed the wheels from his stall to keep it from being removed from the sidewalk pic.twitter.com/hwPOBF6lFY

Pero may iilang vendor na ikinagulat ang bagong patakaran kahit ipinaalam na raw ito ng MMDA noong Huwebes. Isa sa nagulat si Mariel Manreyes.

"Hindi nga namin alam na magkakaganito," mangiyak-ngiyak na sinabi ni Reyes, na inutang lang umano ang kaniyang puhunan.

Vendor Kevin Serrano said authorities should have given them a week's notice of the clampdown on wheels so they could have removed them in advance pic.twitter.com/FqwHjD7LLi
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 12, 2019
Vendor Kevin Serrano said authorities should have given them a week's notice of the clampdown on wheels so they could have removed them in advance pic.twitter.com/FqwHjD7LLi
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 12, 2019
Ayon sa MMDA, maaari lamang magtayo ng tindahan sa kalsada ang mga vendor mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Pero gipit pa rin umano ito ayon sa ilang nagtitinda kaya pakiusap nila na habaan ang oras na puwede silang magtinda.

Umapela rin ang ilang vendor na isaalang-alang ang kanilang kapakanan at hindi lang ng mga sasakyan.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol clearing operations
Baclaran
Pasay
MMDA
gulong
kariton
Baclaran vendors
vendor operations
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT