COVID-19 at dengue, puwedeng tumama nang sabay — mga doktor
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 at dengue, puwedeng tumama nang sabay — mga doktor
Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Jul 24, 2022 03:28 PM PHT
|
Updated Jul 24, 2022 08:04 PM PHT

Nakikita ng mga doktor na posibleng parehong tamaan ng COVID-19 at dengue ang isang indibiduwal.

Sa Tanza, Cavite, halimbawa, 10 na ang naitalang positibo sa COVID-19 at dengue na kinailangang i-isolate noong unang bahagi ng taon.

Mahigpit ang utos sa bayan na isailalim sa parehong test sa COVID-19 at dengue ang mga may sintomas ng influenza tulad ng lagnat, ubo, at sipon.

"Once na si patient ay admissible, kailangan ma-clear muna kung dengue ba siya with COVID or just dengue fever para alam din 'yong pagdating sa ospital ano 'yong magiging protocol nila, kung diretso iyan sa dengue ward, clean ward or COVID ward," sabi ni Dr. Ruth Punzalan, Tanza municipal health officer.

Ayon naman sa opisyal ng Department of Health (DOH), maaaring pumatong ang COVID-19 sa kahit anong sakit.

"Posible po tayong malasin nang ganon na magkaroon na tayo ng dengue at magkaroon pa tayo ng COVID. So, this will be a real problem... the treatment will be for both," ani Dr. Voltaire Guadalupe, head ng DOH Calabarzon regional disaster risk reducation and management for health.

Mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 65,190 kaso ng dengue ang naiulat sa bansa, mas mataas nang 83 porsiyento sa bilang ng mga kaso noong parehong panahon ng nakaraang taon, ayon sa DOH.