Spa sa QC na patagong bukas ngayong MECQ at may alok na prostitusyon, ni-raid
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Spa sa QC na patagong bukas ngayong MECQ at may alok na prostitusyon, ni-raid
ABS-CBN News
Published Aug 30, 2021 05:12 PM PHT
|
Updated Aug 30, 2021 08:16 PM PHT

MAYNILA — Nilusob ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Utopia Health Spa sa Quezon City kung saan may nagaganap umanong prostitusyon.

Patago rin umano itong nag-o-operate ngayong modified enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Pagpasok ng mga NBI agent sa spa, huli sa akto ang mga nag-iinuman. May mga naaktuhan pang mga customer na nasa loob ng mga kuwarto.

Ang ilan sa kanila, naiwan ang mga sapatos at tsinelas nang tangkaing tumakas.
Ang ilan sa kanila, naiwan ang mga sapatos at tsinelas nang tangkaing tumakas.
ADVERTISEMENT
Ang isa sa mga pumuslit, umakyat sa bubong at hinabol pa ng mga operatiba. Matapos ang ilang minutong takbuhan at hanapan, nahuli din siya ng NBI.

Hindi naman inabutan ng mga awtoridad ang mga namumuno sa spa.

Itinanggi ng mga nahuling tauhang babae ng spa na nagbibigay sila ng extra service.

Ayon sa NBI, mga netizen ang nagsusumbong tungkol sa establisimyento. Hindi raw bababa sa P3,600 ang singil sa bawat babae.

Hindi rin daw basta makakapasok ang mga kliyente kung walang booking.
Hindi rin daw basta makakapasok ang mga kliyente kung walang booking.
ADVERTISEMENT
"Napakadelikado po nito, considering may Delta variant. Ito'y isang paraan para mapabilis kumalat ang COVID," ani NBI special task force chief Bernard dela Cruz.

Mahaharap sa patong-patong na kaso ng human trafficking at paglabag sa quarantine guidelines ang pamunuan ng spa.

Dinala naman sa DSWD ang mga na-rescue.
Dinala naman sa DSWD ang mga na-rescue.
Sinubukan makuha ng ABS-CBN News ang panig ng pamunuan ng spa pero ayon sa mga empleyado, hindi nila alam kung nasaan ang mga ito at wala rin daw silang contact number.

—Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT