Residential compound sa Sampaloc, nasunog
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Residential compound sa Sampaloc, nasunog
Nico Bagsic,
ABS-CBN News
Published Sep 12, 2022 07:52 AM PHT

MANILA -- Dalawampung pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential compound sa Loreto kanto ng Honradez Street sa Sampaloc, Maynila Linggo ng gabi.

Dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy, nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog.

Gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay, bukod pa sa makitid ang eskinita sa lugar.

Ayon sa mga residenteng nasunugan, nagsimula ang sunog sa isang maliit na apoy lamang. Minuto lang ang inabot bago tuluyang kumalat ang apoy sa iba pang mga kabahayan.

Ilan sa mga residente ay kinailangan pang tumalon sa bintana para lamang makaligtas sa sunog.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog. Pasado alas dose na ng madaling araw naapula ang sunog na tumagal ng halos 1 oras.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, higit kumulang nasa P150,000 ang halaga ng mga napinsala. Wala naman naiulat na nasawi sa insidente.

--TeleRadyo, 12 September 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT