Ilang Rizal residents, nagprotesta vs Masungi dahil sa umano'y pang-aagaw ng lupa
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang Rizal residents, nagprotesta vs Masungi dahil sa umano'y pang-aagaw ng lupa
Lady Vicencio at Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Sep 21, 2022 08:54 PM PHT
|
Updated Sep 22, 2022 03:52 PM PHT

(UPDATE) Nagprotesta ang ilang residente ng Baras, Rizal laban sa umano'y pang-aagaw ng lupa ng Masungi Georeserve Foundation, bagay na itinanggi nito.

Ayon sa kanila, may 3 taon na nilang hindi napakikinabangan ang kanilang lupang sinasaka mula nang bakuran ito ng Masungi.

"Maraming hindi na nakapasok. Binakuran ng Masungi," sabi ni Sherwin Dela Cruz, isa sa mga residenteng nagrereklamo.

Base sa survey plan na kanilang iprinesenta, bahagi ang hinahabol nilang Lot 2 ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape.

Noong 2017, nagkaroon ng kasunduan ang Department of Environment and Natural Resources at Masungi Georeserve Foundation para mapangalagaan ang naturang protected area.

Base sa website ng DENR, may nakabinbing ancestral domain claim ang Dumagat-Remontados doon, na parte ng lupang dating sinasaka at tinitirahan ng mga nagprotesta.

"Binakuran ang pinagkukulungan ng baka namin, hanggang kami po ay tinatakot at kinakasuhan. Binakuran 'yong mismong harap ng bahay namin," ayon kay Edna Guiriba.

Hinarangan ng mga nagprotesta ang kalsada sa Barangay Pinugay, pero agad silang sinita ng mga pulis.

Ayon sa pulisya sa Baras, walang permit ang mga residente para magsagawa ng kilos-protesta.
Ayon sa pulisya sa Baras, walang permit ang mga residente para magsagawa ng kilos-protesta.
ADVERTISEMENT
PEKENG RALLY?
Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng Masungi Georeserve Foundation na "fake" ang nangyaring rally na pakulo umano ng mga kampong dawit sa mga ilegal na aktibidad.

"Sadly, this is part of a systemic disinformation against us. We are fully aware of attempts to discredit our project by those involved in corrupt activities and illegal construction of resorts and rest houses inside the watershed, and quarrying," ayon sa foundation.

Nakiusap din ang Masungi na arestuhin ng pamahalaan ang anila'y mga "professional squatter" na pakawala umano ng mga sindikato.

"We still call on for the government to take decisive action to arrest and prosecute professional squatters and seriously investigate the possible anomalous, syndicated acts behind them," sabi nito.

ARMADONG GRUPO?
Samantala, nilinaw ni P/Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police, ang issue sa umano'y hindi pag-aresto ng pulis sa mga armadong lalaki na pumasok sa Masungi Georeserve nitong nagdaang araw.

Ayon kay Fajardo, napag-alaman ng PNP na totoong naka-detail ang mga security sa nasabing lugar, pero may security officer na kulang sa firearm registration.

Nakatakda umanong magbigay ng paliwanag ang security agency kaugnay nito.

"So may mga violations tayong nakikita dito. At ngayon, kausap natin 'yung RCSU officer kanina na sinasabi niya, they will be conducting administrative proceedings to find out kung anong mga administrative liabilities na puwedeng i-impose dito sa security agency na nag-employ dito sa 6 na security guards na presently still remain posted doon sa Km 48," ani Fajardo.

Dagdag niya, wala naman silang nakitang 30 security personnel, taliwas sa mga unang sumbong, dahil 6 na guwardiya lang ang namataan nila.

"Upon inspection and validation ay 'yung 6 na security guards ng Sinagtala Security Agency ang nakita natin naka-post doon. 'Yung allegation earlier na may 30 armed men na naka-post sa area kung saan ini-report ay wala naman nakita po ang personnel ng Rizal PPO," sabi ni Fajardo.

"But nonetheless, vinerify nila 'yung mga papel nitong mga security guards. At upon verification, nakita itong mga baril. But because of their failure to present 'yung firearms registration ay kinumpiska."

Kabilang din aniya sa iniimbestihahan ay kung may mga retired at aktibong police na sinasabing naging sangkot dito.

"Kasama 'yan sa ginagawa nating investigation. Right now, we are calling for the intercession ng DENR. Alam po natin na DENR also exercises enforcement functions. So if there are issues with respect to ownership, kung saan ang area ino-occupy ng adverse claimant na siyang nag-hire dito sa security agency, I think it's best (to) be decided by the proper court for jurisdiction," ayon kay Fajardo.

"On the part of the PNP, we are just limited in the maintenance of peace and order and security doon sa area. Kaya hanggang ngayon ay patuloy tayo nagme-maintain ng high police visibility doon sa area."

Tiniyak ni Fajardo na patuloy na mino-monitor ng PNP ang pangyayaring ito.

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
Tagalog news
Masungi
Masungi Georeserve
Rizal
Baras Rizal
Masungi Georeserve Foundation
DENR
Department of Environment and Natural Resources
PNP
Philippine National Police
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT