Mga teacher humingi ng dagdag-sweldo sa Araw ng mga Guro

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga teacher humingi ng dagdag-sweldo sa Araw ng mga Guro

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

Mga teacher humingi ng dagdag-sweldo sa Araw ng mga Guro

MAYNILA — Sa harap ng malakas na buhos ng ulan, tuloy ang kilos protesta ng mga guro sa Maynila ngayong Miyerkoles, World Teachers' Day, upang muling ipanawagan ang dagdag-sahod at benepisyo.

Sa Mendiola ang orihinal na planong pagdausan ng rally, pero pagdating ng mga guro sa Recto mula Morayta, hinarang na sila ng Manila Police District (MPD) at sinabing hanggang doon na lang maaaring magtipon.

Ayon kay Vladimer Quetua, chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, Setyembre 30 pa lang sumulat na sila sa Manila city government pero walang bumabang permit sa kanila.

Sinunod din naman ng mga demonstrador, kabilang si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ang mga pulis.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni Quetua, bukas naman sila sa non-monetary benefits tulad ng health card at iba pa, pero mahalaga ang salary increase dahil ito iyong mapapakinabangan nila hanggang sa kanilang retirement.

"Ang kailangan ng guro ngayon, nag-abono kami ng 2 taon. Nag-ambagan kami. Ang tanong namin sa gobyerno, ano'ng ambag ninyo sa pagkakaroon ng ligtas at de kalidad na eskwelahan lalo na sa pagbubukas [ng full face to face classes] sa November 2?" aniya.

Hangad din nilang magkaroon ng benepisyo gaya ng sick leave o kaya dagdagan ang pinapayagang service credits na hanggang 15 lang sa ngayon dahil ito iyong pwede nilang gamitin bilang leave.

Ayon kay Quetua, 2 beses na silang nagpadala ng liham kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, at umaasang makatutulong ang paglabas nila sa lansangan upang mas maiparating ang kanilang mga hinaing.

Para naman kay Carl Ramota, na 2 dekada nang guro sa kolehiyo, higit sa mga mala-pistang programa, pagpupugay din sa mga guro iyong samahan sila sa kanilang mga apela para sa mas mabuting working environment para maipagpatuloy pa nila ang bokasyon.

"Kung nais nating kilalanin o bigyang pagpupugay ang ating mga guro, ang pinakamainam na pamamaraan nito ay samahan natin ang ating mga guro sa kanilang panawagan para sa salary upgrading, sa better working conditions," ani Ramota.

"At gayundin, samahan natin iyong mga kaguruan na ngayon ay kumakaharap ng iba't ibang mga issue, katulad ng...iba't ibang porma ng harassment, lalo na sa mga unyonista," aniya.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.