Daan-daang pamilyang sinalanta ng bagyong Maring sa La Union, hinatiran ng ayuda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daan-daang pamilyang sinalanta ng bagyong Maring sa La Union, hinatiran ng ayuda
ABS-CBN News
Published Oct 13, 2021 07:39 PM PHT

Pagtatanim ng palay at mga gulay ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Bauang, La Union, pero sinira ito ng matinding pagbahang dulot ng bagyong Maring kamakailan.

Umaasa sana ang residenteng si Rosendo Lorenzo na maganda ang kaniyang kikitain mula sa mga tanim na mani at mais pero nasayang ito nang malubog sa baha.

"Biglaan kasi ito kaya ganito. Nataniman na ito bago ang bagyo," ani Lorenzo na aminadong nasaktan sa nangyari.

Biyudo na si Lorenzo kaya ang inaasahang kita ay para sana sa pangangaialngan ng kaniyang 7 anak na umaasa sa kaniya.

Mga pechay at palay naman ang winasak ni Bagyong Maring sa mga pananim ni Bernadette Balabay.

"Naanuhan po ng mga putik... kaya malaking hinayang po sa mga farmer," ani Balabay.

Kabilang ang mga pamilya nina Lorenzo at Balabay sa higit 600 pamilya sa Bauang na dinalhan ng relief goods at hygiene kits ng Sagip Kapamilya ng ABS-CN Foundation.

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
public service
Sagip Kapamilya
Lingkod Kapamilya
ABS-CBN Foundation
relief
ayuda
Bauang
La Union
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT