10 sugatan sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Bulacan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 sugatan sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Bulacan
Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Nov 03, 2022 03:26 PM PHT
|
Updated Nov 03, 2022 07:48 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Sampung tao ang nasugatan matapos sumabog ang isang pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan ngayong Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, sa 10 sugatan sa insidente, 4 ang dinala sa ospital dahil sa mga malubhang injury, kabilang ang 2 nakaranas ng second-degree burns. Isinugod din umano ang may-ari ng pagawaan.

Bandang ala-1 ng hapon nang mangyari ang pagsabog sa pabrika sa Sitio Manggahan, Barangay Pulong Buhangin, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Inaalam ngayon ng BFP kung may permit to operate ang pabrika at kinukuwestiyon kung bakit nakatayo ito malapit sa isang residential area.

Sa paunang impormasyon naman ng pulisya, sinabi nilang posibleng wala o napaso na ang permit ng pabrika.

Pinaalis naman ang mga residente sa paligid ng pabrika.

Samantala, sinuspende hanggang Biyernes ang klase sa isang pampublikong high school malapit sa pabrika kasunod ng pagsabog.

Ayon kay Guilbert Dela Cruz-Segurado, information coordinator ng eskuwelahan, agad pinalabas mula school grounds ang mga estudyante matapos marinig ang pagsabog.

Ligtas at maayos naman umanong nakalabas ng paaralan ang lahat ng mag-aaral, guro at pamunuan.