Mga HIV advocate, nanawagang wakasan ang 'stigma' sa sakit

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga HIV advocate, nanawagang wakasan ang 'stigma' sa sakit

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-iikot sa iba't ibang komunidad si Billy Santo upang ipakalat ang tamang kaalaman tungkol sa human immunodeficiency virus (HIV) at para rin puksain ang diskriminasyon sa mga taong meron nito.

Pero kuwento niya, ang kanilang pagod ng grupong The Project Red Ribbon, tila gumuho nang ilantad mismo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang isa sa mga nahuli nito sa isang drug bust operation ay positibo sa HIV.

"Nasasaktan kami because napapagod kami to let the people be informed properly [about HIV] pero parang we're going back to square one just because of this one incident," ani Santo.

Base sa Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998, dapat pangalagaan ang confidentiality ng impormasyon tungkol sa taong may HIV.

ADVERTISEMENT

Humingi na ng paumanhin ang PDEA sa nagawa.

Mga maling impormasyo sa HIV

Ayon sa Department of Health (DOH), maigi rin daw na maturuan ang publiko tungkol sa mga maling impormasyon kung paano kumakalat ang HIV.

Hindi naisasalin sa ibang tao ang HIV sa pamamagitan ng:

  • Pakikipaghalikan;
  • Paghahawakan ng kamay;
  • Pag-ubo;
  • Pagbahing;
  • Paggamit ng kasangkapan na nagamit ng isang may HIV; at
  • Kagat ng lamok.

Sa halip, ang HIV ay maaari lamang maipasa sa talong paraan:

  • Hindi protektadong pakikipagtalik;
  • Pagkahawa sa pamamagitan ng dugo;
  • Pagkahawa ng sanggol sa inang may HIV.

Datos ukol sa HIV

Sa Pilipinas, nasa 46,985 kaso na ng HIV ang naitala ng DOH mula Enero 1984 hanggang Agosto ngayong taon.

Sa kanilang pagtataya, maaring umabot sa 142,000 ang mga kaso nito pagdating ng 2022 at lolobo pa sa 313,000 pagsapit ng 2030.

Isa pa rin sa mga nakikitang problema ng DOH ay ang takot at "stigma" ng publiko tungkol sa HIV.

ADVERTISEMENT

"If people will be afraid to come out, then we can't control the spread of AIDS among our population," ani DOH Undersecretary Gerard Bayugo.

Giit ng DOH, hindi kailangang matakot ang publiko bagkus ay dapat harapin ang lumalalang realidad ng HIV.

Dagdag nila, libre ang anti-retroviral therapy para sa lahat ng magpopositibo sa HIV.

Maging ang Palasyo, humiling ng kooperasyon upang labanan ang sakit at ang kaakibat na stigma nito.

"As we commemorate World AIDS Day, we must work as one to increase the capacity of the country for early warning, risk reduction, and management of national and global health risks, including HIV/Aids...We urge all Filipinos to help end the stigma of HIV/Aids and contribute to prevent the spread of the disease," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

ADVERTISEMENT

Ngayong World AIDS Day, patuloy ang panawagan ng mga HIV advocate na wakasan na ang negatibong pananaw sa kanila.

--Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.