PITX: May mga extra bus kahit fully booked na ang karamihan ng biyahe

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PITX: May mga extra bus kahit fully booked na ang karamihan ng biyahe

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 22, 2022 08:46 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Tiniyak ngayong Huwebes ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na may mga extra bus na masasakyan kahit fully booked na ang karamihan sa mga biyahe sa istasyon.

Ito'y sa harap ng pagdagsa ng mga biyaherong umuuwi sa kani-kanilang mga probinsiya para doon magdiwang ng Pasko.

Ayon sa PITX, bagaman fully booked na ang karamihan sa mga bus, siguradong may masasakyan ang lahat dahil may mga extra bus na bumibiyahe.

Nag-abiso rin umano ang ilang bus company sa mga hindi nakapag-book ng biyahe na agahan na lang ang pagpunta sa terminal.

ADVERTISEMENT

"Fully booked na po, 'yong mga tanghali po, maghihintay na lang po sa mga pasahero na hindi nakaabot ng booking," ani Nolie Canon, ticket seller sa PITX.

"May chance [naman makasakay] po. Araw-araw naman kami may extra bus sa mga hindi nakapa-book na pasahero," dagdag niya.

Nauna nang nag-isyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng special permits para sa 600 dagdag na bus para ma-accommodate ang demand sa mga terminal gaya ng PITX.

Ayon naman kay Jason Salvador, head ng corporate affairs and government relations sa PITX, nalagpasan na ng bilang ng mga pasahero sa terminal ang bilang noong panahon bago ang pandemya.

"Way beyond the pre-pandemic numbers tayo. Kung dati 'di tayo umaabot ng more than 100,000 pre-pandemic number, ngayon sobra-sobra pa," ani Salvaodr.

ADVERTISEMENT

"Siguro nadagdagan na rin dahil 2 taon hindi nakabiyahe 'yong ating mga kababayan natin," dagdag niya.

Nagsagawa rin ngayong Huwebes ng inspeksyon sa PITX ang Land Transportion Office (LTO).

Sinuri ng mga taga-LTO ang "road worthiness" ng mga bus pa-probinsiya o kung nasa kondisyon ba ang mga ito para bumiyahe.

Tiningnan din ng mga taga-LTO ang mga lisensiya ng driver at dokumento ng bus.

Sa Quezon City, dagsa na rin ang mga pasahero sa bus terminal sa Cubao, kung saan tumatanggap na rin ng mga chance passenger at fully booked na ang ilang biyahe papuntang norte.

ADVERTISEMENT

Magdadagdag umano ng biyahe ang terminal sa mga destinasyong marami ang pasahero at kung kinakailangan.

— May ulat nina Jose Carretero, Jeff Caparas at Nico Bagsic, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.