Mga pasahero dagsa pa rin sa ilang bus terminal para sa Bagong Taon
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pasahero dagsa pa rin sa ilang bus terminal para sa Bagong Taon
Job Manahan at Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Dec 27, 2023 07:36 AM PHT

MAYNILA – Dagsa pa rin sa ilang bus terminals ang mga pasaherong humahabol ng biyahe bago ang Bagong Taon.

Sa Quezon City, naabutan ng ABS-CBN News ang mga biyaherong papunta ng iba’t ibang probinsya pa-norte nitong Martes ng gabi. Anila, doon na raw sila magbabakasyon o sasalubong sa 2024.

Isa na rito si Daily Caras na sa Batangas pa nagdiwang ng Pasko. Chance passenger si Caras at ang kanyang apo at ilang oras nag-abang ng bus papuntang Pangasinan.

“Talagang doon kami sa bahay nagne-New Year,” sabi ni Caras. “Hindi kami [nakapag-reserve] dahil unahan sa upuan.”
“Talagang doon kami sa bahay nagne-New Year,” sabi ni Caras. “Hindi kami [nakapag-reserve] dahil unahan sa upuan.”
ADVERTISEMENT
Si Adolfo Francisco naman, pupunta ng Nueva Vizcaya kasama ang kanyang pamilya para dumalo sa isang kasal. Hindi rin daw magtatagal sila Francisco doon at uuwi agad. Alas-7 pa ng umaga ang kanilang biyahe pero sa bus terminal na sila natulog para maiwasan ang mabigat na trapiko.

“Uuwi kami mga 29. Aalis kami agad,” sabi niya.

“Okay lang [maaga]. Mabuti na advance kaysa late ka,” dagdag niya.

Nauna nang nagpaalala ang ilang bus terminal na kaunti na lang ang dalhin kung bibiyahe ngayong holiday season.

Sinabi na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinaghahandaan nito ang mabigat na trapiko at “carmageddon” para sa holidays.

Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) naman, humabol din ang ilang pasahero para makauwi sa kani-kanilang probinsiya nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Nagpunta nang maaga sa terminal si Crisanto Maravilla na nagbakasaling may mas maagang biyahe papuntang Tobaco City, Albay. Planado na ang kanyang pag-uwi nito sanang Martes, pero hindi niya inasahan ang dagsa pa rin ng mga pasahero.

“Mabilis bumili (ng ticket) pero mabagal ‘yung schedule. Mas mahirap ngayon kasi mas mapuno. Akala ko kasi 26, medyo konti na kasi ‘yung iba, aabot ng Pasko. Mas marami pa rin ngayon. Tiis na lang nandito na e, para makauwi na,” sabi ni Maravilla.

Tatlong terminal naman ang napuntahan ni Yolando Banastao bago nakabili ng ticket papuntang Gubat, Albay. Dadalo siya ng kanilang reunion kaya tiniis na lang din niya ang ilang oras na paghihintay habang nakasalampak sa sahig ng terminal.

“‘Yung anak ko po nung 3:00 ng hapon, pumunta ng Cubao. Wala pong ticket, fully booked na. Tapos sabi ko, sige na try tayo ng Buendia. Ganoon din po, wala na rin po. Tapos sabi nung driver, punta na kayo dito raw po para sigurado. Tapos nagpila po kami, napakahaba,” ayon kay Banastao.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PITX na may sapat silang mga bus na bibiyahe para sa kanilang mga pasahero na pauwi bago mag-Bagong Taon.