Paggamit ng trapal, puno ng niyog ng mga Odette victims hirit ni Duterte
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paggamit ng trapal, puno ng niyog ng mga Odette victims hirit ni Duterte
ABS-CBN News
Published Dec 28, 2021 03:44 PM PHT

MAYNILA - Ihinihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng mga trapal at mga natumbang puno ng niyog para magkaroon ng pansamantalang masisilungan ang mga survivor ng bagyong Odette.

"Magbili ka muna, i-assess mo ‘yung mga tao, natutulog sa labas, emergency, so magbili ka ng trapal. The appropriate size for a family of maybe, you target good for six people, kasi ang trapal would protect the people from the cold sa gabi. Natutulog lang [sa] plastic," ani Duterte sa isang public address nitong Lunes.

Sa isla ng Siargao, maaari rin umanong magamit ang libo-libong puno ng niyog na pinatumba ng bagyo para pansamantalang makumpuni ang mga nasirang bahay.

"Ang akin, if there's a sense there, magbili na lang muna ako ng chainsaw. Bagsak na lahat eh. Iyon na lang ang gamitin natin. Wala na 'yung kung sino 'yung may-ari ng mga lands that are planted with coconut tapos natumba. Ibigay mo na lang sa kapwa tao mo kasi 'yung lumber doon," ani Duterte.

"Sa Siargao, kung magtayo ng mini sawmill doon, madali kaagad. Diyan mismo eh, nandiyan na 'yung kahoy. So it could --- it should come out as a lumber, pero coconut. And that material is not really advisable to be used. But for temporary, 'yun na lang muna," dagdag niya.

Sa ngayon, nasa 397 na ang kumpirmadong patay dahil sa bagyong Odette, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Duterte dahil sa tagal ng pagdating ng tulong sa mga biktima. Inabot rin ng ilang araw bago ideklara ang state of calamity sa mga nasalantang rehiyon na magpapabilis sana ng pagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Giit niya, panahon na para baguhin ang batas na nagmamandato na magkaroon muna ng asessment ng naging pinsala ng bagyo bago tuluyang ma-access ng gobyerno ang kanilang calamity funds.

Pinaiimbestigahan na rin ni Duterte ang mga ulat ng pananamantala ng ilang mga negosyante sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette.

Sa kaniyang public address nitong Lunes, inatasan ni Duterte ang Department of Trade and Industry na tingnan ang mga report ng mga pananamantala sa mga apektadong lugar.

"There seems to be a spike in the prices. They say that some, not all, are hoarding and you know that it --- you increase the price by selling more than the usual price of --- for example, building materials, or even food stocks, canned goods. They are getting to be more expensive for the people," ani Duterte.

"Tell us if there has been a violation or violations during this time because we can identify them and the Philippine National Police, we will ask them to arrest the hoarders and people who are taking advantage of the situation," dagdag niya.

Nagpadala na umano ng liham ang DTI sa ilang establisimyento sa Bohol, Cebu, at Misamis Oriental matapos silang iulat na nagtaas ng presyo sa kabila ng pinaiiral na price freeze ng gobyerno.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
Bagyong Odette
Pangulong Rodrigo Duterte
trapal
puno ng niyog
Odette survivors
housing
pabahay
kalamidad
Odette
Rai
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT