Kush itinago sa mga lata ng prutas; 2 pusher arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kush itinago sa mga lata ng prutas; 2 pusher arestado

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Nasabat ng mga tauhan ng Eastern Police District ang nasa 7.5 milyong pisong halaga ng umano’y high grade marijuana sa kanilang buy bust operation sa Barangay Plainview sa Mandaluyong, alas dyes Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Colonel Villamor Tuliao, director ng Eastern Police District, arestado sa operasyon ang isang 28-anyos na lalaki at kanyang nobya.

Nagkasa ng joint operation ang District Drug Enforcement Unit, Mandaluyong Police at Marikina Police laban sa mga suspek matapos umano silang ituro bilang supplier ng droga ng mga nauna nang inarestong drug pusher ng pulisya sa Marikina at Mandaluyong.

“Itong operation na ito is nagbunsod doon sa information ng Marikina, doon sa huli nila noong October 5 na ganitong kush din. Based nga doon sa information nila ang source ay nandito sa may Mandaluyong,” sabi ni Tuliao.

ADVERTISEMENT

“So since nasa Mandaluyong, sinabi ko na dapat… mag joint na ang Mandaluyong City Police at ang Marikina City Police kasama noong aming District Drug Enforcement Unit. Doon nga sa ginawang operation natunton doon sa bahay mismo nung dalawang suspek, doon sila nagkaroon ng transaksyon,” dagdag niya.

Ayon sa pulisya, modus ng mga suspek ang itago ang mga ilegal na droga sa mga lata ng prutas. Nakumpiska sa mga suspek ang 5 kilo ng high grade marijuana na nakatago sa 11 lata.

“Kung makikita mo 'yung itsura nung lata, 'yung parang lagayan ng fruit cocktail 'yung ginagamit natin tuwing Pasko, 'yung fruit cocktail, nakabalot ng ano tapos may nakalagay na pineapple mga ganun, so di mo siya mapagkakamalang contraband yung item na iyon kung pagbabasehan mo lang ay sa tingin mo. Pag binuksan mo siya ang laman niya kush,” sabi ni Tuliao.

“Ang mode of ano nila is through on-line pero pag ano magmi-meet up na sila, ayaw din nila ng ano sa on-line yung transactions, pero yung kuwan nila is on-line,” dagdag niya.

No comment naman ang dalawang suspek hinggil sa paratang.

Hawak na ng Mandaluyong Police ang dalawang suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.