Sapul sa CCTV: Lalaki binaril sa likod sa Quiapo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sapul sa CCTV: Lalaki binaril sa likod sa Quiapo

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang malapitang pamamaril sa isang lalaki sa Arlegui Street, Quiapo, Maynila nitong Sabado ng gabi. 

Ayon kay PCpt. Dennis Turla, hepe ng Homicide-Manila Police District, pauwi na sana ang biktima nang barilin ito mula sa likuran ng hindi pa nakikilalang suspek. 

"Habang siya ay naglalakad sa kahabaan ng Arlegui, ‘yung gunman galing sa likod niya, biglang pinaputukan siya sa ulo," sabi ni PCpt. Turla. 

Dead on the spot ang biktima na kinilalang isang salesman sa Quiapo, at tubong Marawi City, Lanao Del Sur, 27-anyos na tubong Marawi City, Lanao Del Sur, matapos magtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

ADVERTISEMENT

Agad namang nakatakas ang gunman na sumakay sa isang motorsiklong nakaabang sa kanya matapos ang pamamaslang. 

Base sa salaysay ng asawa ng biktima, may nababanggit na ang asawa na banta sa kanyang buhay.

"According sa kanyang asawa, ‘yung angkan nito ay may kaalitang pamilya rin sa probinsya nila sa Marawi. So ‘yun ang tinitingnan nating angulo," sabi ni Turla. 

"Ongoing ‘yung follow-up operation natin para matunton ‘yung suspek na may gawa nitong krimen." 

Patuloy na tinutugis ngayon ng pulisya ang suspek na posibleng maharap sa reklamong murder.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.