P500,000 natangay ng mga holdaper sa convenience store

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P500,000 natangay ng mga holdaper sa convenience store

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 28, 2024 10:45 AM PHT

Clipboard

Naaresto ang dalawa sa anim na indibidwal na sangkot umano sa panghoholdap sa dalawang convenience stores sa Taytay, Rizal at Plaridel, Bulacan noong Lunes.

Ayon kay PLtCol. Gaylor Pagala, hepe ng Taytay police, nangholdap sa isang convenience store sa Taytay ang mga suspek dakong alas-2 ng madaling-araw.

"Itong mga suspect ay sakay o lulan ng isang SUV, tinangay nila yung sales ng isang convenience store na more or less ay 500,000," sabi ni Pagala.

Lumabas sa imbestigasyon, na bago hinoldap ng mga suspek ang convenience store sa Taytay ay sinubukan pa umano nilang pumunta sa isa pang convenience store sa Antipolo.

ADVERTISEMENT

"During backtracking natin mayroon pa tayong nakitang isang convenience store na malapit din dito sa Taytay, na una nilang dapat ding pupuntiryahin. Siguro na-asess nila na alerto o mayroong gwardiya at maraming customer kaya hindi nila ito tinuloy at sa bayan ng Taytay sila tumuloy," sabi ni Pagala.

Dagdag niya, pagkatapos nilang mangholdap sa convenience store sa Taytay ay dumayo sila agad sa Plaridel, Bulacan at nangholdap din ng isa pang convenience store ng alas-4 kwatro ng madaling-araw.

Agad nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis para maaresto ang mga suspek. Nasakote nila ang dalawang suspek sa Pampanga habang pinaghahanap pa ang apat na kasama.

Nakakulong sa Plaridel Municipal Police Station sa Bulacan ang dalawang suspek.

Nabawi sa kanila ang sasakyan na ginamit nila sa panghoholdap, mga pekeng plaka, baril, cable tie, martilyo at crowbar na ginagamit umano nila sa pagbukas ng mga vault. May mga pekeng uniporme rin ng pulis na nakuha sa kanilang sasakyan, pero iimbestigahan pa ng pulisya kung saan ito ginagamit ng mga suspek. 

ADVERTISEMENT

Itinanggi ng dalawang suspek na may kinalaman sila sa krimen.

"Maghahatid lang po sana kami ng pagkain doon sa kapatid niya. Wala kaming alam dyan," sabi ng suspek.

"Hindi po kami kasama doon, malinis po kami," sabi ng isa pang suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery holdup at illegal possession of firearms and ammunition.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.