Mga pulis na posibleng dawit sa Barayuga slay iimbestigahan ng PNP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pulis na posibleng dawit sa Barayuga slay iimbestigahan ng PNP

MAYNILA — Iimbestigahan ng PNP ang lahat ng posibleng sangkot sa pagpatay kay retired police general at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga noong July 2020 sa Mandaluyong City.

Ayon sa PNP spokesperson na si Col. Jean Fajardo, kabilang sa mga iimbestigahan ang mga pulis na dating humawak sa kaso ni Barayuga.

Una aniyang nag-imbestiga ang NCRPO noong 2020 pero makalipas ang 6 na buwan ay walang naging significant development ang kaso kaya naging cold case ito at inilipat sa CIDG.

Ayon kay Fajardo, muling bubuksan ng CIDG ang imbestigasyon.
Ayon kay Fajardo, muling bubuksan ng CIDG ang imbestigasyon.
ADVERTISEMENT
"Ito ay muling re-reviewhin ng investigating team na crineate ni Gen. Torre. Kausap ko siya before proceeding here and one of the initial actions na gagawin nila ay ipapatawag nila itong si Nelson Mariano at si Santie Mendoza for them to give their sworn written statement before the investigating unit to shed light on this matter and again para ma-reduce into writing itong mga revelation during the quad committee hearing," sabi ni Fajardo.

Giit ni Fajardo na kung sakaling mapatunayan na may pagkukulang at may pagtatakip na nangyari sa kaso ay sasamapahan nila ito ng reklamong kriminal at administratibo.

Sinibak naman sa pwesto sina Col. Hector Grijaldo at Lt.Col. Santi Mendoza noong Biyernes.

Si Grijaldo na nakadestino ngayon sa PDEG ay ang dating hepe ng Mandaluyong PNP noong mangyari ang pamamaril kay Barayuga.

Habang si Mendoza na naka-assign din ngayon sa PDEG ang nagsiwalat sa House quad committee hearing na inutusan syang patayin si Barayuga.

Ang hakbang ay ginawa para bigyang daaan ang gagawing imbestigasyon.

Nasa Personnel Holding Admin Unit ng Camp Crame na ang dalawa.

Aalamin din ng PNP kung paano napasama ang pangalan ni Barayuga sa sinasabing listahan umano ng mga sangkot sa iligal na droga.

Tiniyak ng PNP na gagawin nila ang lahat para makamit ng pamilya ang hustisya at walang mangyayaring pagtatakip sa naturang kaso.

Nananawagan din ang PNP sa publiko na kung sino pa ang may impormasyon sa pagpatay kay Barayuga na i-report sa kanilang tanggapan.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT