Lalaking bibili lang ng ulam nasaksak sa mukha sa hinintuang inuman

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking bibili lang ng ulam nasaksak sa mukha sa hinintuang inuman

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Nagtamo ng malalim na hiwa sa mukha ang isang 23-anyos na lalaki na bibili lang sana ng ulam, matapos mapagtripan sa hinintuang inuman sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo ng madaling araw, February 23, 2025.

Kwento ng biktima, huminto sila dahil nasira ang kanilang sinasakyang motor malapit sa lugar kung saan nakikipag-inuman ang suspek. Sinubukang nilang kumpunihin ang motor nang biglang magbiro ang suspek na nagsabi: "Pasabugin na lang kaya natin 'yang motor, ito lighter."

"Taga roon po kami. Bibili lang sana kami ng pagkain sa Wawa," ayon sa biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng Rodriguez Municipal Police Station, matapos ang hirit ng suspek ay nagsimula nang magkainitan ang dalawang grupo na nauwi sa suntukan.

ADVERTISEMENT

"Pumasok doon sa bahay nila kumuha ng balisong at ilang beses niyang inundayan ng saksak itong biktima natin, at tinamaan nga sa mukha. Itong area malayo ito, nandoon na to sa area na may bundok na," sabi ni PLtCol. Paul Sabulao, chief of police ng Rodriguez MPS.

Depensa ng suspek, sinadya huminto ng mga lalaki malapit sa kanila. 

"Pero tingin ko parang hindi naman nasiraan kasi sa lawak nung kalsada bakit sa harap pa mismo ng bahay namin, bundok po 'yun eh. Tingin ko kursanada talaga nilang magpapansin samin," sabi ng suspek.

Iginiit din niya na self-defense ang kaniyang ginawa.

"Nandilim na rin ako, sir, kasi pinilit nila ko lumaban. Nasaksak ko na. Kasalanan naman po nung kamag-anak nila eh. Pinagtanggol ko lang po 'yung sarili ko," sabi ng suspek.

ADVERTISEMENT

Labis ang galit ng ate ng biktima dahil sa sinapit ng kapatid.

"Habang-buhay niyang dadalhin 'yang peklat po na 'yan hanggang sa pagtanda niya. Kaya masakit samin 'yang mga kapatid sorry po nagiging emosyonal ako. Lalaban kami. Itutuloy namin ang demanda," sabi ng kapatid ng biktima.

Nasa kustodiya na ng Rodriguez MPS ang suspek na mahaharap sa reklamong Frustrated Homicide.

Nasa maayos na kondisyon na ang biktima na kinailangang tahiin ang tinamong hiwa sa mukha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.