Nagkunwaring buyer arestado sa pagnakaw ng cellphone sa gadget shop

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagkunwaring buyer arestado sa pagnakaw ng cellphone sa gadget shop

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang 28-anyos na lalaki matapos magnakaw ng cellphone sa isang gadget shop sa Blumentritt Road, Sta Cruz, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay PMaj. Patrick Rodriguez, sector commander ng Manila Police District PS3 Sta. Cruz Police Station, nagkunwaring buyer ng cellphone ang suspek.

“Habang nagbebenta po ng gadget yung biktima, lumapit po itong suspek natin para bumili ng cellphone. At nung merong lumapit na isang lalaki para bumili ng cellphone, doon siya nakakuha ng pagkakataon para tumakbo at kunin yung binebentang cellphone,” pahayag niya.

Humingi ng saklolo ang biktima nang mapansin na tinangay ang ibinebenta niyang cellphone na nagkakahalaga ng P5,500.

ADVERTISEMENT

Sa kuha ng CCTV, may tatlong lalaki na tumatakbo sa Blumentritt Road habang nakasunod ang rumorondang pulis sakay ang motorsiklo. Hinahabol na pala nila ang suspek dito hanggang sa na-corner sa  P. Guevarra Street.

Ayon kay PMaj. Rodriguez, na-corner ng mga concerned citizen at pulis ang suspek sa may P. Guevarra Street, kung saan siya inaresto.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na may iba pang nabiktima ang suspek sa parehong modus.

“Nagnanakaw siya sa iba’t ibang lugar pero hindi siya nahuhuli… yung modus niya na kunwari tinitignan niya yung cellphone sa tindahan, sa mga cellphone shop and then pag nakakuha siya ng pagkakataon ay itatakbo niya or itatago niya sa bulsa niya,” aniya.

Inamin ng suspek na tinangay niya ang cellphone, pero iginiit niyang unang beses pa lamang niya ito ginawa.

“Dala lang po ng pangangailangan… kinuha ko ang cellphone, kailangan ko ng pamasahe… gusto ko magtrabaho dito kaso wala po kaya uwi na lang sana ako ng Tarlac,” aniya.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District Sta. Cruz Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong robbery snatching.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.