Lalaking dalawang magkasunod na araw umanong nagnakaw ng cellphone, nahuli sa Rizal
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking dalawang magkasunod na araw umanong nagnakaw ng cellphone, nahuli sa Rizal
RIZAL — Nahuli ng barangay task force ang isang lalaki na inireklamong nagnakaw umano ng cellphone ng dalawang magkasunod na araw sa Rizal nitong weekend.

Ayon kay Ama Villa Baylon, coordinator ng Barangay Dolores Sitio Bato Bato Uno, sa Cainta at Taytay sa Rizal umano nagnakaw ang lalaki.

"Dalawang araw po siya na magkasunod nagnakaw. Taga-Cainta po 'yung una, taga-Barangay San Juan 'yung pangalawa," sabi ni Baylon.

Nagtangka pa umanong tumakas ang lalaki matapos posasan ng awtoridad. Nahuli siya sa bahay ng kaibigan sa isang compound sa Taytay.

"Nakaposas na po siya, tumakbo siya sa area namin pero 'yung suspek hindi po taga-amin, taga-rito lang sya sa kabilang compound. Sa tulong ng mga residente ng Sitio Bato Bato Malamok, nahuli po 'yung suspek.
Kinuha rin po siya ng Barangay San Juan para rin po maimbestigahan tungkol sa trespassing, dagdag sa pagnakaw ng cellphone," sabi ni Baylon.
"Nakaposas na po siya, tumakbo siya sa area namin pero 'yung suspek hindi po taga-amin, taga-rito lang sya sa kabilang compound. Sa tulong ng mga residente ng Sitio Bato Bato Malamok, nahuli po 'yung suspek. Kinuha rin po siya ng Barangay San Juan para rin po maimbestigahan tungkol sa trespassing, dagdag sa pagnakaw ng cellphone," sabi ni Baylon.
Nasa kustodiya na ng Barangay San Juan ang suspek na hindi na nagbigay ng pahayag. Naibalik naman sa dalawang mga biktima ang mga ninakaw na cellphone.

Pinaigting na ng barangay ang kanilang seguridad laban sa mga kawatan.

"Bibigyan kami ng maraming ilaw na solar para visible ang area kasi po medyo madilim. Mag-install ng CCTV at lights. 'Yung tanod namin, every night po 'yan," sabi pa ni Baylon.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT