Riding-in-tandem binuksan ang pinto ng sasakyang nakaparada, ninakaw ang bag ng pasahero

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Riding-in-tandem binuksan ang pinto ng sasakyang nakaparada, ninakaw ang bag ng pasahero

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Ninakawan ng riding-in-tandem ang isang sasakyang nakaparada sa kahabaan ng Sumulong Highway sa Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Kwento ng 57-anyos na biktima, nakaparada ang kanilang sasakyan at hinihintay niya ang kanyang asawa na nagmamaneho nito na bumaba para bumili, nang binuksan ng isang lalaki ang pinto ng passenger seat kung saan nakalagay ang bag ng biktima, pasado alas-3 ng hapon noong May 25.

“Paglabas po ni husband kumbaga hindi naman tayo nag-isip na may masamang mangyari so hindi ko siya pinansin, hindi ko pinansin yung mama,” kwento niya.

“Ang naalala ko na lang nung nakita ko sa video kung paano niya ginawa nung lumabas si husband tinignan po niya kung saan pumunta at nung hindi na ho niya nakita, dun na niya pagbukas po ng sasakyan para kunin yung bag ko,” dagdag pa ng biktima.

Agad na sumakay ang suspek sa isang motorsiklong nakaabang at humarurot papunta sa direksyon ng Masinag, Antipolo.

Ayon naman sa Cainta police, sumasalisi ang mga magnanakaw na ito kung saan may mga sasakyan na nakikita nilang may mahahalagang bagay sa loob.

Nakuha ng mga suspek ang mga ID ng mag-asawa, envelope na may lamang nasa P40,000, dalawang cellphone at iba pang mahahalagang gamit.

Kwento naman ni PCMS Nerico Sulit ng Cainta investigation section, modus ng mga suspek na magsuot ng damit na may tatak ng isang motor taxi o uniporme ng isang ride-hailing app.

“Pagkakuha po ng bag ng biktima agad pong tumakbo dun sa naghihintay na motorsiklo na naka motor taxi uniform,” sabi ni Sulit.

Nagsagawa ng follow-up ang pulisya sa barangay na nasasakupan ng pinangyarihan ng isnidente.

“Nakipag-ugnayan na po kami dun. Sa kasamaang palad yung mga CCTV footages nilang installed dun sa area ay nagkaroon po ng malfunction,” paliwanag niya.

Patuloy na naghahanap ang PNP ng mga establisimyentong posibleng may CCTV na nakuhanan ang pagdaan ng mga suspek.

Paalala naman ng pulisya na panatilihing naka-lock ang pinto ng mga sasakyan.

“Kung maaari po wag po tayo mag-park sa mga alanganing lugar na kung saan magkakaroon ng pagkakataon yung mga biktima at wag mag iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng ating sasakyan pag aalis po tayo,” dagdag pa ni Sulit.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.