FACT CHECK: Wala pang bagyong kasunod ang Super Typhoon Pepito | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Wala pang bagyong kasunod ang Super Typhoon Pepito

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Nov 22, 2024 06:02 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:19 PM PHT

Wala pang namamataan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kasunod na bagyo matapos lumabas ng bansa ang Super Typhoon Pepito noong Nobyembre 18, 2024, taliwas sa ipinakikita ng isang TikTok video.

Gamit ang mapa ng Pilipinas at mga hugis spiral na graphics, mapanunuod sa nasabing video ang umano’y forecast track ng mga bagyong Querubin, Romina, at Siony. Mababasa sa video ang mga tekstong: “briefing: querubin, Romina,siony” at “November-december typhoon season.”

Ayon sa tropical cyclone threat-potential forecast na inilabas ng PAGASA noong Nobyembre 22, mababa ang posibilidad na may mabuong bagyo mula Nobyembre 22 hanggang 28. Samantala, may katamtaman hanggang sa mababang tyansa na may mabuong bagyo mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 5.

Ang mga pangalang Querubin, Romina, at Siony na ginamit sa nasabing video ay ang mga nakatakdang pangalan ng mga susunod na bagyo pagkatapos ng Pepito. Makikita ito sa inilabas ng PAGASA na listahan ng mga pangalan ng bagyo na papasok sa bansa sa kasalukyang taon.

Ipinost ang TikTok video matapos manalasa sa bansa ang anim na magkakasunod na bagyo sa loob lamang ng apat na linggo.

Inilista rin ng nasabing TikTok video ang mga sumusunod na diumano’y lakas at pinsalang idudulot ng mga nasabing bagyo:

- “Querubin - Damage: $2.33 billion (P137.17 billion), Category 5: Super Typhoon, Fatalities: 678 up, Strength: 225 kilometers per hour (kph), Gust: 301 kph”
- “Romina - Damage: $356 million (P20.96 billion), Category 6: rapidly intensification, Strength: 255kph, Gust: 345 kph, Fatalities: 2000 up”
- “Siony - Damage: $595 million (P35.03 billion), Category 6: super rapidly intensification, Strength: 300 kph, Gust: 389 kph”

Batay sa datos ng PAGASA at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula 1950 hanggang 2024, wala pang bagyo na may lakas ng hangin na aabot sa 255 kph at 300 kph ang tumama sa Pilipinas sa mga nasabing taon.

Itinuturing ang Super Typhoon Yolanda na isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo at pinakamapaminsala sa Pilipinas. Umabot ang maximum sustained winds ng bagyo sa 235 kph at maaaring higit pa dahil nasira nito ang weather stations na sumusukat sa lakas ng hangin.

Nag-iwan ang bagyong Yolanda ng P95 bilyong halaga ng pinsala sa imprastruktura, agrikultura, at iba pang kagamitan matapos ang pananalasa nito noong Nobyember 2013.

Ilan pa sa pinakamapaminsalang bagyo ang Odette noong 2021, Ompong noong 2018, Pablo noong 2012, at Pepeng noong 2009 bagama’t hindi sila kabilang sa pinakamalalakas na mga bagyo na nanalasa sa Pilipinas.

5 na Pinakamalakas na Bagyo sa Pilipinas (1950-2024)
Bagyo Taon Max sustained winds (kph) Gust (kph) Halaga ng pinsala (Php) Bilang ng nasawi Ruping1,3
1990
240
275
8,710,170,000.00
508
Yolanda1,a
2013
≥235
≥270
95,483,133,070.67
6,300
Rolly2
2020
225
310
17,875,444,874.00
25
Lawin2
2016
225
315
16,125,501,021.00
23
Juan1,4
2010
225
260
11,500,000,000.00
19
Bagyo | Taon | Max sustained winds (kph) | Gust (kph) | Halaga ng pinsala (Php) | Bilang ng nasawi |
Ruping1,3 | 1990 | 240 | 275 | 8,710,170,000.00 | 508 |
Yolanda1,a | 2013 | ≥235 | ≥270 | 95,483,133,070.67 | 6,300 |
Rolly2 | 2020 | 225 | 310 | 17,875,444,874.00 | 25 |
Lawin2 | 2016 | 225 | 315 | 16,125,501,021.00 | 23 |
Juan1,4 | 2010 | 225 | 260 | 11,500,000,000.00 | 19 |
Sources: 1 Presentation on Extreme Weather Events by Weather Division Chief Esperanza O. Cayanan, PAGASA, 2016; 2 Typhoon Odette Final Report, National Disaster Risk Reduction and Management Council, 2021; 3 Typhoon Mike Nov 1990 Situation Reports 1-6, United Nations Disaster Relief Organization, 1990; 4 Sitrep No.12 re Effects of Typhoon "Juan" (Megi), NDRRMC, 2010; Note: a Naantala ang pagsukat sa lakas ng Super Typhoon Yolanda dahil sa pagkawasak ng weather stations.

MGA RASON SA PAGPAPAKALAT NG PEKE
Ayon kay Danilo Arao, propesor sa University of the Philippines Diliman, maraming rason kung bakit may mga gumagawa at nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalamidad.

“There are certain individuals and groups that would want to milk… the disaster for all its worth in terms of getting as much engagement as possible,” ani Arao. “More clout means more money insofar as monetizing content would be concerned.”

Sa huling tala ng ABS-CBN Fact Check, nakapagtamo na ng 175.5K views, 1,996 likes, at 219 comments ang TikTok video na nagpapakita ng mga pekeng bagyo.

Sinabi ni Arao na bukod sa pera ay maaaring politikal ang dahilan ng pagpapakalat ng maling impormasyon. Paliwanag niya, may kakayahan ang mga pekeng content na manipulahin ang naratibo o ang “news cycle” para pagandahin o sirain ang pangalan ng isang tao.

Dagdag ni Arao, isa sa maaaring maapektuhan ng mga kumakalat na maling posts sa social media ay ang relief operations o ang paghahatid ng tulong sa mga nasalanta.

“It's a life and death situation... if there are certain content creators who would say that the area where certain people need rescuing is not so much affected by the typhoon, it's possible that the rescue and the relief and rehabilitation work would go somewhere else,” ani Arao.

Ngayong taon, ang pinagsamang hagupit ng Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon ang kasalukuyang nakapagtala ng pinakamataas na halaga ng pinsala at bilang ng nasawi. Pumasok ang Bagyong Kristine sa bansa noong Oktubre 21 at agad na sinundan ng Bagyong Leon noong Oktubre 26.

9 na Pinakamapaminsalang Bagyo mula Enero 1 hanggang Nobyembre 18, 2024
Bagyo Haba ng Panahon Max sustained winds (kph) Gust (kph) Halaga ng pinsala (Php) Bilang ng nasawi Kristine
Oktubre 21–Nobyembre 1
95
160
17,607,629,636.07
159
Leon
195
240
Butchoy
Hulyo 11–26
55
70
10,372,287,577.86
48
Carina
185
230
Enteng
Agosto 31–Setyembre 7
100
125
2,606,627,637.08
21
Julian
Setyembre 27–Oktubre 4
185
230
1,572,559,372.07
5
Nika
Nobyembre 9–18
130
180
1,558,432,473.82
7
Ofel
185
230
Pepito
195
325
Bagyo | Haba ng Panahon | Max sustained winds (kph) | Gust (kph) | Halaga ng pinsala (Php) | Bilang ng nasawi |
Kristine | Oktubre 21–Nobyembre 1 | 95 | 160 | 17,607,629,636.07 | 159 |
Leon | 195 | 240 | |||
Butchoy | Hulyo 11–26 | 55 | 70 | 10,372,287,577.86 | 48 |
Carina | 185 | 230 | |||
Enteng | Agosto 31–Setyembre 7 | 100 | 125 | 2,606,627,637.08 | 21 |
Julian | Setyembre 27–Oktubre 4 | 185 | 230 | 1,572,559,372.07 | 5 |
Nika | Nobyembre 9–18 | 130 | 180 | 1,558,432,473.82 | 7 |
Ofel | 185 | 230 | |||
Pepito | 195 | 325 |
Naniniwala si Arao sa kakayahan ng content creators kabilang na ang social media users na pigilan ang disaster misinformation kung sasangguni ang mga ito sa ekspertong sources.

“I think content creators can do a lot in terms of disseminating information coming from reliable sources,” sabi niya.

Na-fact check na rin ng ABS-CBN ang ilang pekeng impormasyon na may kinalaman sa kalamidad.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.
Read More:
bagyo
super typhoon
PepitoPH
Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Services Administration
PAGASA
misinformation
disinformation
fact check