News Releases

English | Tagalog

KierVi, celebrity VJs ng MYX ngayong bagong taon

January 09, 2019 AT 11:30 AM

KierVi jumpstarts MYX’S new year as celebrity VJs

CK and Vivoree usher in fresh music videos this new year on MYX.

MYX, handog ang musika nina Christian at Janina
Tampok ang Hashtags member na si CK Kieron at ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemate na si  Vivoree Esclito sa MYX ngayong Enero na maghahatid ng mga pinakabagong kanta at music videos bilang mga kauna-unahang Celebirty VJs ng bagong taon.
 
Isang kaabang-abang na buwan ang naghihintay para sa Kiervi loveteam, dahil maliban sa kanilang hosting gig sa numero unong music channel ng bansa, ilulunsad rin ng dalawa ang kanilang joint debut album sa ilalim ng Star Pop, isa sa recording sub-label ng Star Music, sa darating na Enero 25 (Biyernes) sa SM North EDSA Skydome.
 
Haharapin naman ng YouTuber-turned-singer na si Janina Vela ang mundo ng musika sa ilalim ng “MYX Spotlight” ngayong buwan. Matapos ang pag-perform sa kauna-unahang “MYX Squadfest” at paglunsad ng kanyang duet na “Sorry I Left” kasama ang MYX VJ na si Donny Pangilinan, handa na si Janina upang mas ipakita pa ang kanyang talento sa pagkanta.
 
Samantala, magbibigay saya naman ang bagong kasal na si Christian Bautista sa music channel bilang “MYX Headliner” ng buwan. Buo ang loob ng OPM hitmaker na harapin ang bagong taon tampok ang kanyang mga awitin at sagutin ang mga pinakamahihirap na tanong ng MYX.
 
Batiin ang bagong taon kasama ang MYX Celebrity VJs na sina CK at Vivoree sa “Pinoy MYX” hanggang Enero 12, “Mellow MYX” mula Enero 13 hanggang 19, at sa “My MYX” mula Enero 20 hanggang 26. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE