News Releases

English | Tagalog

Frankie Pangilinan magniningning bilang MYX Celebrity VJ ngayong Agosto

August 05, 2019 AT 05:27 PM

Frankie Pangilinan lights up MYX as this month's celebrity VJ

Kakie ventures into hosting as this month's MYX Celebrity VJ!

Greyson Chance, tampok bilang “MYX Headliner”
 
Magliliwanag ang numero unong music channel sa bansa dahil ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan ang bibida bilang Celebrity VJ ngayong buwan ng Agosto.
 
Matapos ipamalas ang kanyang talento sa pag-awit sa kanta niyang “tyl,” susubukan naman ni Kakie ang kanyang galing sa pagho-host sa MYX—sa pamamagitan ng paghahatid ng mga papausbong at mga paboritong awitin sa bansa ngayon.
 
Si Greyson Chance naman ang magpapabilib bilang “MYX Headliner” ngayong buwan. Sumikat si Greyson dahil sa pag-cover ng kanta ni Lady Gaga na “Paparazzi,” pero bitbit niya sa pagbabalik niya sa bansa ang mga sarili niyang kanta mula sa pinakabago niyang album na “Portraits.”
 
Samantala, tampok naman sa “MYX Spotlight” ang pop/alternative band na Over October. Handog nila ang mga kanta nilang “Wait,” “Never Stop,” “Arbitrary,” at “Mr. Sun.”
 
Samahan ang MYX Celebrity VJ na si Kakie sa “Pop MYX” hanggang August 10; sa Pinoy MYX simula Aug. 11 hanggang 17; sa Mellow MYX mula Aug. 18 hanggang 24; at sa My MYX simula Aug. 25 to 31. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Bisitahin rin ang bagong YouTube channel nito, ang All Music MYX tampok ang live performances ng iba’t ibang local at international artists. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE