News Releases

English | Tagalog

"Adele: One Night Only" mapapanood sa MYX ngayong Sabado

December 01, 2021 AT 09:40 AM

"Adele: One Night Only" airs on MYX this Saturday

Catch "Adele: One Night Only" on MYX this Saturday (Dec. 4) at 10 pm.

Daydreamers sama-sama sa “Let’s Stan”

Ipapalabas ng MYX ang television special ng isa sa pinakamatagumpay na artists sa buong mundo, ang “Adele: One Night Only” ngayong Sabado (December 4), 10 pm.
 
Ang musical extravaganza na “Adele: One Night Only” ang pinakahihintay na pagbabalik ng English singer-songwriter tampok ang bigating performances niya ng mga sumikat na awitin pati na rin ang mga bago niyang kanta mula sa bagong labas na “30” album. Kasama rin si Oprah Winfrey sa two-hour special bilang host ng Q&A portion. 
 
Tuloy-tuloy ang saya sa kumu show ng MYX na “Let’s Stan” na nagbabalik para sa Season 2 ngayong Martes (December 7), 7pm kasama ang host na si VJ Ai Dela Cruz na inaanyayahan ang fans ni Adele, ang mga Daydreamers, para pag-usapan ang natatanging musika ng superstar.
 
May dagdag saya sa MYX music channel ngayong buwan ang “11:59” singer na si KZ Tandingan na tampok bilang MYX Headliner. Makakasama naman sa MYX Spotlight sina Jensen Gomez at Jon Guelas.
 
Hatid din ng MYX ang bagong show nitong “Island Block Party” na magpapalabas ng interviews, performances, at music videos kasama ang mga patok na island, pop, reggae, at R&B artists.
 
Mapapanood din ang Japanese survival show na “Who Is Princess?” sa MYX. Tampok dito ang 15 teenage girls na sasailalim sa training hanggang sa may matira na limang membryo na bubuo sa next big K-Pop group.
 
Abangan ang “Adele: One Night Only” ngayong Sabado (Dec. 4), 10 pm o ang replay nito sa Dec. 26 (Linggo), 8 pm. Huwag palampasin ang “Island Block Party” tuwing Martes, 7pm at ang “Who Is Princess” tuwing Huwebes, 7 pm. Mapapanood ang MYX sa SKYcable ch. 23, Cignal ch. 150, GSAT ch. 35, at sa iba pang provincial cable operators.  Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX sa FacebookYouTubeTwitter, kumuTikTok, at Instagram.