Sapul sa CCTV: 5 taong gulang na bata, himalang nakaligtas matapos mahagip ng pickup

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sapul sa CCTV: 5 taong gulang na bata, himalang nakaligtas matapos mahagip ng pickup

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

Sapul sa CCTV ang pagbangga ng isang pickup sa isang batang lalaki sa Valencia City, Bukidnon. Courtesy: Emily PamolarconSapul sa CCTV ang pagbangga ng isang pickup sa isang batang lalaki sa Valencia City, Bukidnon. Courtesy: Emily Pamolarcon

MAYNILA -- Sapul sa CCTV ang pagbangga ng isang pickup sa limang taong gulang na batang lalaki sa Purok 4, Diversion Road, Brgy. Lumbo, Valencia City, Bukidnon Sabado ng umaga. 

Makikita sa CCTV ang bata na biglang tumakbo patawid ng kalsada nang biglang masagasaan ng puting pickup. Tumilapon pa ito nang mangyari ang disgrasya. 

Kuwento ni Joanie Deiparine sa ABS-CBN News, pumunta sila sa isang surplus store kasama ang kanyang mga kapitbahay pati na ang mag-ina. 

Pauwi na sana sila, at makikita sa CCTV na isa-isa silang tumatawid sa kalsada bago ang bata. 

ADVERTISEMENT

"Akala namin safe na ang bata kasi kasabay niya ang nanay niya. Naghugas pa kasi ng kamay ang ina niya doon sa surplus store. Hindi namin inakala na tumawid din pala ang bata," ani Deiparine. 

Pinaghahanap pa ng pulisya ang driver ng pickup na hindi pa nakikita o sumuko sa mga awtoridad. 

Himala namang nakaligtas ang bata sa kabila ng tindi ng aksidente. 

Ayon sa ama ng biktima na si Jimmy Zubiri, under observation na lang sa Polymedic Hospital sa Valencia City ang bata. 

"Himalang nakaligtas ang bata kahit grabe ang aksidente. Okay na siya ngayon, na-CT scan na," ani Zubiri. 

Patuloy namang nananawagan ng tulong ang pamilya ng biktima lalo na sa gastusin sa ospital. 

Maaring mag-donate sa Gcash ng ama ng biktima sa numerong: 0926-329-6045.  


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.