Grupo ng mga hacker na nanghihingi ng pera tiklo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grupo ng mga hacker na nanghihingi ng pera tiklo

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Arestado ang 4 na lalaki na nang hack umano ng social media account ng isang biktima para manghingi ng pera sa mga kaanak at kaibigan nito, ayon sa pulisya nitong Martes

Kwento ng biktima na si Joy Bencito, naghanap siya sa social media ng taong pwedeng mag retrieve ng kanyang Facebook account. Pero hindi niya akalain na ang taong nakausap niya ang mismong mangha-hack ng kanyang profile.

Matapos mapasok ng suspek ang kaniyang Facebook account, nanghingi ito ng pera sa mga kaibigan niya online at sinabing may sakit ang kaniyang anak.

Hindi bababa sa lima ang nabudol nito at isa sa mga nabiktima ng panloloko ang kanyang tenant na si alias “Mae” na nakuhanan ng P20,000.

ADVERTISEMENT

Sinubukan pa ni Joy na makipag-ugnayan sa hacker pero nanghihingi ito ng P5,000 bilang pantubos ng kanyang account.

Sa isinagawang entrapment operation ng PNP Anti-Cybercrime Group nitong Lunes, pasado alas 8 ng gabi, nadakip ang hindi lang pala isa kundi grupo ng mga hacker mula sa Binangonan, Rizal.

Nagbabala naman ang Anti-Cybercrime Group sa publiko gayung talamak ang ganitong modus sa social media.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Maaari umanog dumulog sa tanggapan ng Anti-Cybercrime Group sa pamamagitan ng kanilang Complaint Action Center sa mga sumusunod na contact details:

  • Tel.: +63 (8) 723-0401 local 7491
  • Smart/Viber: +63 961 829 8083

at Facebook page.—Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.