Curfew violator sa QC nahulihan ng droga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Curfew violator sa QC nahulihan ng droga

ABS-CBN News
Published Mar 19, 2021 06:36 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng 19-anyos na lalaki matapos mahulihan siya ng ilegal na droga at lumabag sa curfew hours sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Jayson Garganera, team leader ng Quezon City Task Force Disiplina, nag-iikot sila sa sa Barangay Sto. Domingo dakong ala 1 ng madaling umaga nang makita nila ang ilang mga kabataan na lumalabag sa curfew.

Dun nila nahuli ang suspek na si “Renz” na bukod pa sa walang damit pang-itaas ay wala ring suot na face mask sa kalsada.

Nang kapkapan ang suspek ay sinubukan niya umanong itapon ang isang kaha ng sigarilyo. Nang makuha ng mga awtoridad ay doon tumambad sa kanila ang mga nakasilid na sachet ng hinihinalang marijuana.

Nasa drugs watchlist ng barangay si Renz at aminadong dati gumagamit ng ilegal na droga, pero itinanggi na sa kanya ang mga nakumpiskang droga.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News