EXCLUSIVE: Is Jerome Ponce ready to become a family man?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: Is Jerome Ponce ready to become a family man?

Leo Bukas

Clipboard

Nanggaling si Jerome Ponce sa broken family kaya nakaka-relate siya sa journey ng character niya as Intoy sa pelikulang Walwal. Dito rin daw siya humuhugot.

“Siyempre importante yung pinagdaanan sa pamilya. I mean, hindi naman nangyayari sa kasalukuyan, pero nagagamit ko pa rin yon kahit tapos na. Naa-apply mo talaga ang hugot at karga sa iskrip na parang totoong nangyayari,” simulang kuwento ni Jerome sa PUSH.

Kumusta na ba ang relasyon niya sa kanyang pamilya ngayon?

“Okay naman na kami dati pa. May mga naging problema noon, hindi pagkakaintindihan, pero naaayos din naman dahil nag-uusap-usap kami,” sagot niya sa amin.

ADVERTISEMENT

“Kapag may time ako at walang trabaho I see to it na nakakasama ko sila at nagba-bonding kami. Yung isang kapatid ko, si Omboy, madalas siya sa bahay ko kapag wala siyang school.

“Nung birthday ko (June 4), kasama ko sina mama, nag-dinner kami to celebrate my birthday. Pero simpleng dinner lang yon. Kami-kami lang,” kuwento pa niya.

Wala pa ba siyang balak bumuo ng sarili niyang pamilya kay Mica Reyes na isang sikat na volleyball player?

“Ay grabe ka. Wala pa namang ganun. Bata pa naman kami. Parang hindi pa marrying age. Gusto ko pang magwalwal,” pabiro at natatawa niyang pahayag.

Samatala, ipinagkatiwala ni Direk Joey Reyes kay Jerome ang mga dramatic scenes sa Walwal. Ano ang reaksyon niya dito?

ADVERTISEMENT

“Siguro, kasi nasa peak lang ako na heto ako, na katatapos ko lang sa The Good Son at napanood yon ni Direk Joey noon. Siyempre, flattered ako sa tiwala niya.

“Marami akong natutunan, marami akong karga sa lecture ng mga director ko noon sa The Good Son.

“Si Donny (Pangilinan), first movie niya ito na acting-acting. Si Elmo (Magalona), katatapos lang nila iyong kay Janella (Salvador). Tapos, si Kiko (Estrada), first time kong maka-work.”

Masasabi ba niya na mas lumamang siya pagdating sa acting sa co-actors niya sa Walwal?

“Hindi ko masasabing lumamang ako o hindi. Ang maipagmamalaki ko lang siguro, eh, yung pinagkatiwalaan ako ng director namin sa drama na doon pa ako maraming karga at pinanggagalingan,” paliwanag pa ni Jerome.

ADVERTISEMENT

Samantala, bukod kina Jerome, Elmo, Kiko at Donny, kasama din sa Walwal sina Kisses Delavin, Devon Seron, Jane de Leon at Sofia Seneron.

Showing na ang ultimate barkada movie ng Regal Films on June 27.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.