RECIPE: Menudong Tagalog

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Menudong Tagalog

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Karaniwang handa sa mga okasyon o 'di kaya'y tinda sa mga karinderya ang putaheng menudo.

Pero sa programang "Umagang Kay Ganda," kakaibang menudo ang itinuro ng guest kusinerang si Chef Vergie Sta. Ana-Garcia.

Hindi kasi hinaluan ng mga sangkap na tomato sauce, tomato paste, hotdog, at sausage ang naturang putahe, kaya't binansagan itong "Menudong Tagalog," na hango pa umano sa recipe noong araw.

Upang simulan ang paggawa sa Menudong Tagalog, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

•1 kilong baboy
•1/2 kilong atay
•1 cup kalamansi
•Keso
•Carrots
•Siling pula
•1 kutsarang margarine
•Patatas
•Asin
•Paminta
•Laurel
•Suka
•1 cup toyo
•Kamatis
•Bawang
•Sibuyas
•Atsuete
•Garbanzo

ADVERTISEMENT

Hiwain ang baboy at ihiwalay ang mga taba.

Pakuluan ang mga naipong taba at iprito hanggang lumabas ang mantika nito. Itabi dahil dito igigisa ang ibang sangkap.

Pagsama-samahin ang karne, keso, kalamansi, carrots, siling pula, margarine, patatas, asin, paminta, laurel, kamatis, sibuyas, bawang, suka, at toyo.

Haluin upang manuot ang lasa. Pakuluan ng 5-10 minuto.

Maggisa ng sibuyas, bawang, at kamatis sa minantikang taba ng baboy.

ADVERTISEMENT

Isama na ang pinakuluang mga sangkap. Ihuli ang atay para hindi tumigas.

Iwanan hanggang lumambot ang karne. Lagyan ng atsuete bilang pampakulay.

Ilagay ang garbanzos. Maaari nang ihanda ang putaheng Menudong Tagalog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.