RECIPE: Sisig na puso ng saging

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Sisig na puso ng saging

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gusto mo bang kumain ng sisig kahit diet ka?

Sa halip na baboy o manok, maaari kang gumamit ng puso ng saging sa iyong sisig, na nakatutulong sa pagbawas ng timbang at pag-iwas sa mga sakit tulad ng anemia at diabetes.

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Martes ang guest kusinera na si Mira Angeles para ibahagi kung paano lutuin ang sisig na puso ng saging.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 pirasong puso ng saging
• 2 kutsara ng vegetable oil
• 1 pirasong sibuyas
• 3 pirasong butil ng bawang
• 1 pirasong luya
• 3 pirasong siling pansigang
• 3 kutsarang toyo
• 1/2 tasa ng gata
• Asin
• Paminta

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Sa mainit na mantika ay maggisa ng bawang, sibuyas, at luya.

Isunod ang siling pangsigang at lutuin sa loob ng 3 minuto.

Idagdag ang puso ng saging at toyo.

Lagyan ng asin at paminta.

Ilagay ang gata at pakuluin ng 5 minuto.

Maaari nang ihain ang sisig na puso ng saging.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.