Lalaki arestado matapos sirain ang passport ng asawa na bibiyahe papuntang Qatar
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado matapos sirain ang passport ng asawa na bibiyahe papuntang Qatar
Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Jan 10, 2024 11:54 PM PHT

MAYNILA - Hindi natuloy ang biyahe papuntang Doha, Qatar ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos na sirain mismo ng kanyang asawa ang passport nito at maging ang boarding pass sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Sinira rin ng asawa ang kanyang cellphone.
Agad naman nakapagresponde ang mga pulis ng Aviation Security Group at na-aresto ang lalaki.
Base sa imbestigasyon, pasado alas-9 Miyerkules ng umaga nang dumating sa NAIA Terminal 1 ang 31-anyos na misis mula sa Iloilo City.

Nabigla na lamang umano ito ng makita ang asawa at pinilit siyang sumama dito.
Nang tumanging sumama, kinuha ng suspek ang shoulder bag ng misis kung saan kinuha ang cellphone nito at tinapon.
Kinuha rin ang passport at boarding pass ng asawa at pinunit ang mga ito.
Ayon kay Police Brigadier General Jack Wanky ang director ng Aviation Security Group, na-inquest na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8239 o Philippine Passport Act of 1986 at Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Pursigido naman na magsampa ng kaso ang asawa nito na nasa pangangalaga na ngayon ng kaanak sa Cavite.
Nag-away ayon sa PNP ang mag-asawa noong bagong taon kaya ayaw itong paalisin.
“Ayaw niya, kasi nag-away sila noong New Year, iniwan noong babae. Eh ayaw niya nang kausapin. Ayon inabangan niya, dito kasi alam niya na may flight eh,” ayon sa PNP.
May tatlong anak ang mag-asawa na nasa pangangalaga na ngayon ng pamilya ng babae.
Samantala, ayon sa PNP, idinulog nila sa Bureau of Immigration ang kaso ng babae pero hindi ito pinayagan na maka-alis dahil sa nasira nitong passport.
Abiso naman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa biktima na ipa-abot sa kanila ang report para matulungan na makausap ang employer nito tungkol sa nangyari.

Read More:
OFW
overseas Filipino worker
domestic violence
Tagalog news
violence against women
NAIA
NAIA Terminal 1
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT