Mahigit 1,000 kaso ng jaywalking naitala sa Baguio noong 2017

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mahigit 1,000 kaso ng jaywalking naitala sa Baguio noong 2017

Teomar Bautista,

ABS-CBN News

Clipboard

BAGUIO CITY- Nakapagtala ng 1,113 na kaso ng jaywalking ang pulisya sa lungsod na ito noong 2017.

Ito ay sa kabila ng mga karatulang nakapaskil sa lungsod na nagpapaalalang bawal ang jaywalking.

Ayon sa Traffic Enforcement Unit, patuloy pa rin kasi na tumatawid sa kalsadang para lang sana sa mga senior citizen, persons with disability at mga buntis ang ilang pasaway kaysa gamitin ang overpass.

Nanawagan naman ang residenteng si Lope Fabia na disiplinahin na lang ang mga lalabag sa pamamagitan ng community service kaysa sa pamamagitan ng multa.

ADVERTISEMENT

"Mag-community (service) na lang sila. Pagsabihan nalang po sila ng maayos, pwede naman diba?” ani Fabia.

Sagot naman ni Oliver Panabang, hepe ng Traffic Enforcement Unit, masyadong komplikado ang community service dahil mahirap umano itong bantayan.

"Sinong magbabantay? 'Pag nag community service iyan, sigurado ba tayong mababantayan natin? Alangan naman na pulis ang magbabantay?" aniya.

Nagbabala naman ang pulisya na mas hihigpitan pa nila ang pagbabantay sa mga kalsada at magpapataw ng P300 multa sa mga lalabag.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.