Relampagos itinuturing nang pugante, muling ipinaaaresto ng Sandiganbayan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Relampagos itinuturing nang pugante, muling ipinaaaresto ng Sandiganbayan

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Maituturing nang pugante ang muling ipinaaaresto na si dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos matapos itong hindi na bumalik sa bansa mula Amerika, ayon sa Sandiganbayan.

Sa resolusyon na inilabas nitong Lunes, sinabi ng Sandiganbayan 7th Division na pinayagan nito si Relampagos, isang akusado sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel scam, na makalabas ng bansa noong Disyembre 2 at pinababalik rin ng Enero 1.

Pero nagmanipesto ang abogado ni Relampagos sa korte na nagpasya ang kaniyang kliyente na huwag nang bumalik sa bansa dahil sa samu't saring dahilang may kaugnayan sa kaniyang mga kaso.

Dahil dito, ipinag-utos ng Sandiganbayan na kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni Relampagos. Inatasan din ng korte ang prosekusyon na gumawa ng hakbang para sa extradition o pagpapabalik kay Relampagos sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Ipina-forfeit din ng korte ang P70,000 na cash bond at P35,000 travel bond ng dating opisyal.

Pinagpapaliwanag din ng Sandigabayan ang kaniyang mga abogado kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong administratibo at i-cite in contempt.

Maaalalang nahaharap si Relampagos sa patong-patong na kasong katiwalian sa Sandiganbayan kaugnay ng multibilyong-pisong anomalya sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund scam. -- Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.