Babaeng sumemplang mula sa motor, nasagasaan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng sumemplang mula sa motor, nasagasaan
ABS-CBN News
Published Feb 06, 2018 12:52 AM PHT
|
Updated Aug 07, 2019 02:40 PM PHT

Patay ang isang babae sa Balagtas, Bulacan nang masagasaan ng pampasaherong jeep matapos sumemplang sa kalsada mula sa sinasakyang motorsiklo.

Napailalim ang biktimang si Ronamae Lacambra sa jeep matapos bumagsak mula sa motorsiklo sa may Barangay Santol, Balagtas noong Enero 25, pasado alas-7 ng umaga.

Sinubukan kasi ni Rustom Francisco, ang motorcycle driver na kasama ng biktima, na mag-overtake sa jeep pero hindi nito namalayan na may aso pala sa gitna ng kalsada.

Nabunggo ng motorsiklo ang aso, dahilan para sumemplang sina Francisco at Lacambra.
Nabunggo ng motorsiklo ang aso, dahilan para sumemplang sina Francisco at Lacambra.
ADVERTISEMENT
Tumakbo lamang papalayo ang aso.
Tumakbo lamang papalayo ang aso.
Kinaladkad pa ni Francisco si Lacambra papunta sa gilid ng kalsada at humingi ng tulong pero binawian din ito ng buhay.

Naaresto ang tsuper ng jeep na si Leopoldo Roque pero lumaya rin makalipas ang isang linggo matapos makapagpiyansa.

Pumayag ang pamilya ng biktima na makipag-areglo sa tsuper at i-urong ang pagsampa ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT