Computer technician patay sa pamamaril sa Cebu
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Computer technician patay sa pamamaril sa Cebu
Aiza Layague,
ABS-CBN News
Published May 06, 2019 08:04 PM PHT

TALISAY CITY, Cebu - Patay ang isang computer technician matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Mohon, Talisay City sa Cebu Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jimuel Sigue, 49 anyos.

Ayon sa mga residente, nakaupo sa kaniyang motorsiklo ang biktima habang nakikipagbiruan sa kaniyang kapitbahay nang biglang dumating ang isang lalaking nakasuot ng sombrero at agad binaril nito ang biktima.

Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.
ADVERTISEMENT
Blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng salarin maging sa motibo ng pamamaril ngunit iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang report na posibleng love triangle ang rason sa pamamaril.

Napag-alaman may karelasyon ang biktima na may asawa.