Isyu ng ‘love triangle’ at droga, tinitingnang motibo sa pagpaslang kay Michael Remecio

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isyu ng ‘love triangle’ at droga, tinitingnang motibo sa pagpaslang kay Michael Remecio

ABS-CBN News

Clipboard

Iniimbestigahan ng mga pulis ang anggulong “love triangle” at droga kaugnay sa pagpatay sa 16-anyos na si Michael Angelo Remecio.

Ayon kay Genevie Remecio, ina ni Michael, malakas ang kutob niya na may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang anak ang isang alyas "Kim," na umano'y amo ni Michael sa Bulacan at "bino-boyfriend-boyfriend" daw ang anak.

Kuwento ng kaibigan ni Michael, na kinilala lamang sa pangalang “Joshua,” gabi ng Setyembre 1 habang namamasada siya ng tricycle sa Obando, Bulacan, ay nadaanan niyang nakatambay sa isang tindahan si Michael at niyaya niya itong umuwi kasabay niya.

Pero hindi sumama si Michael at sinabing may tampo raw ito sa kanyang ina at sinabing pansamantala raw siyang nakikituloy sa kanyang amo. Bagama’t ayon sa ina ni Michael, wala itong nakikitang dahilan para maglayas ang anak noong Agosto 26.

ADVERTISEMENT

Samantala, ayon kay alyas "Bhakz," isa sa mga kaibigan ni Michael, humingi pa umano ng saklolo sa kanila si Michael noong Setyembre 10 sa pamamagitan ng Facebook. Hindi na raw kasi ito makauwi dahil sa pagbabanta ng kanyang amo.

Ayon sa kaibigan ng pamilya Remecio, mayroong girlfriend si Michael.

Hindi naman matanggap ng ina ni Michael na baka dahil lang sa "selos" ang motibo sa pagpaslang sa kanyang anak.

Sinabi rin ni Bhakz na sangkot umano sa droga ang amo ni Michael, sabay giit na wala aniya silang kaibigang adik.

Paliwanag ng mga pulis, talamak daw kasi ang bentahan ng droga sa lugar kung saan huling nakita si Michael.

ADVERTISEMENT

Pero nilinaw na ng mga magulang ni Michael na hindi nagdodroga ang kanilang anak.

Ayon naman sa isang malapit na kaibigan ng pamilya Remecio, posibleng kilala ng ilan sa mga kaibigan ni Michael ang itinuturong pumaslang sa bata.

Hindi pa lumalabas ang autopsy report dahil, ayon sa Philippine National Police—Bulacan, baka isabay na nila ito sa paglabas ng resulta ng DNA test.

-- Ulat nina Angel Movido at Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.