Undas 2022: Mga sementeryo handa na sa dagsa ng tao

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Undas 2022: Mga sementeryo handa na sa dagsa ng tao

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 28, 2022 08:00 PM PHT

Clipboard

Sa Manila North Cemetery, mahaba na ang pila sa mga pumapasok sa sementeryo, at napaptagal ang pagpasok dahil mahigpit ang mga inspeksiyon. ABS-CBN News
Sa Manila North Cemetery, mahaba na ang pila sa mga pumapasok sa sementeryo, at napaptagal ang pagpasok dahil mahigpit ang mga inspeksiyon. ABS-CBN News

MAYNILA - Kasado na ang paghahanda ng mga sementeryo sa dagsa ng mga tao ngayong Undas.

Sa Manila North Cemetery, mahaba na ang pila nga mga taong pumapasok sa sementeryo. Napapatagal ang pagpasok dahil mahigpit ang mga inspeksiyon.

Kinukumpiska din ang ilang kagamitan gaya ng pangpintura at paglinis na bawal nang gawin mula Miyerkoles.

Watch more News on iWantTFC

Ipinaiiwan din ang lighters at mga matutulis na bagay.

ADVERTISEMENT

Nagpunta pa si PNP chief Rodolfo Azurin Jr. para tingnan ang mga inilatag na security protocols.

Bagamat wala naman anyang banta sa seguridad, hindi umano dapat magpakakampante.

Isa rin sa mahigpit na ipinatutupad dito ay ang pagbabawal sa pagpapasok sa mga edad 12 pababa na hindi bakunado.

Ang ilang private cemeteries gaya ng Loyola Memorial Park sa Marikina at Himlayang Pilipino, papayagan ang overnight stay sa Undas.

Sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1 gagawin ang sa Loyola Memorial Park, habang sisimulan ito sa Himlayang Pilipino sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 1.

-- May mga ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.