Single ticketing system opisyal nang ipatutupad sa San Juan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Single ticketing system opisyal nang ipatutupad sa San Juan

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Opisyal nang ipinatupad ngayong Miyerkoles ng San Juan City ang single ticketing system.

Matapos ang ilang buwang pilot test ay iro-roll out na ngayong araw ang full implementation nito sa lungsod.

Tatlumpung hand-held devices ang ibinigay ng Metropolitan Manila Development Authority sa San Juan local government unit para magamit ito sa paniniket ng mga lumalabag sa traffic rules.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, mas simple na ang panghuhuli sa single ticketing system, kung saan ang top 20 most common violations ay may pare-parehong penalty na.

ADVERTISEMENT

"Dati po kasi soft launch. Marami po tayong inayos sa sistema, sa ticketing device at gayundin po sa payment platforms. Inayos po natin 'yon," ani Artes.

"Matapos 'yong pilot testing, masasabi natin na kayang kaya na natin ipatupad ang single ticketing system," ani San Juan Mayor Francis Zamora.

"Dati kung na-tiketan ka at kinuha ang lisensya niyo, kailangan niyo pang magpunta sa city hall ng lungsod kung saan kayo nahuli para tubusin at magbayad ka ng multa... Puwede na tayong magbayad on the spot through digital payment platforms," aniya.

Sa ngayon, sabi ni Artes, posible ang full implementation ng single ticketing system sa buong Metro Manila bago matapos ang taon.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.