Resort sa Laiya, Batangas ipinasasara sa paglabag sa health protocols
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Resort sa Laiya, Batangas ipinasasara sa paglabag sa health protocols
ABS-CBN News
Published Dec 09, 2020 07:29 PM PHT

MAYNILA - Ipinasara na ang isang resort sa San Juan, Batangas matapos lumabag sa mga health protocols nang dalawang beses.

Unang nasuspinde sa paglabag sa quarantine measures ang Blue Coral Beach Resorts, sa Laiya sa Batangas mula Setyembre 2 hanggang 17.

Pero sa isang gathering noong nakaraang linggo ay nakitaan na naman umano sila ng paglabag.

Ipinadala sa Department of Tourism ang video, kung saan wala umanong suot na face masks at face shields ang mga dumalo sa party sa lugar.

"Noong nakita ko ito, pinadala sa akin, concerned talaga mga tao baka daw ang Batangas di na matanggal sa GCQ (general community quarantine) dahil sa mga ganitong pangyayari. Alam naman natin na bawal 'yung ganyan, walang mask, nagpa-party, naglalasing talagang kapabayaan talaga," ani DOT chief Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon kay San Juan Mayor Ildebrando Salud, isang kompanya lang ang nagpaalam na mag-overnight sa resort. Pero nang malaman na may party nang nagaganap sa beach ay agad na pinapunta nila ang pulis.

Nadokumento rito ang naging paglabag kabilang na ang mass gathering at kawalan ng physical distancing.

"Nagulat po kami lahat sa nakita namin, mga retrato at video, dahil ang paalam sa amin, matutulog lang 'yung mga guest na iyon then uuwi na. Hindi pinaalam sa amin na magko-conduct sila ng party," ani Salud.

Binawian na ng LGU ng business permit ang resort.
Binawian na ng LGU ng business permit ang resort.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Salud, may kumausap na raw sa kanila na mula sa pamunuan ng resort.

"Nagpapaliwanag po, dinedepensahan nila ang kanilang sarili na mayroon naman daw na social distancing, naliligo daw. May mga palusot factor. Iginigiit na kausap daw ako eh hindi nga ho kami nagkakaharap, at sino namang mayor papayag na gagawa sila na ikakasira ko rito at ikakapahamak ko 'di ba po?" ani Salud.

Sinubukan ng ABS-CBN na kuhanin ang panig ng resort pero hindi pa sila nagbibigay ng pahayag.

Matatandaang kinondena ng Department of Tourism ang isang Halloween party na isinagawa sa isang private residence sa Boracay.

Pinagmulta ng P5,000 ang event organizers at pinarusahan din ang dalawang dayuhan na may suot na police costume.
Pinagmulta ng P5,000 ang event organizers at pinarusahan din ang dalawang dayuhan na may suot na police costume.
ADVERTISEMENT
Muling nagpaalala ang DOT sa mga LGU at mga taga-tourism industry na seryosohin ang health protocols lalo't marami ang pinapayagang magbukas para mabigyan ng trabaho ang mga naapektuhan ng pandemic sa industriya,

-- Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Batangas
health protocols
Laiya
Blue Coral Beach Resorts
Boracay
DOT
Bernadette Romulo-Puyat
jeff canoy
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT