1-taong gulang na babae patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa Negros Occidental
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1-taong gulang na babae patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa Negros Occidental
ABS-CBN News
Published Dec 09, 2021 05:38 PM PHT

MAYNILA—Patay ang isang 1-taong gulang na babae matapos tamaan ng ligaw na bala sa Cadiz City, Negros Occidental.

Sumuko sa pulisya ang suspek na kinilalang si Nomar Ayan Bero, 46 anyos. Nakuha sa kaniya ang isang kalibre .38 na baril.

Ayon sa Philippine National Police, naglalaro ang bata sa loob ng kanilang bahay kasama ang mga kamag-anak noong Linggo, Disyembre 5, nang makarinig sila ng 2 putok ng baril.

Nakita na lamang nila ang biktima na nakahiga sa sahig at may dugo ang ulo.
Nakita na lamang nila ang biktima na nakahiga sa sahig at may dugo ang ulo.
ADVERTISEMENT
Agad na dinala ang bata sa pagamutan sa bayan ng Manapla at inilipat pagkatapos sa Bacolod City pero binawian ito ng buhay noong Lunes, Disyembre 6.

Nangako naman ang PNP na bibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ng bata.

"Bero will be charged accordingly, based on the appreciation of the prosecutor of the evidence presented by police investigators," ani PNP chief Gen. Dionardo Carlos.

Inutusan din ni Carlos ang Western Visayas police na i-monitor ang kaso at tingnan ang mga dokumento ng suspek sa pagdala ng baril.

MULA SA ARKIBO
Read More:
Regional news
Regions
Tagalog news
Cadiz City
Negros Occidental
stray bullet
ligaw na bala
baby
bata
sanggol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT