College student lumaban nang tangkang nakawan ng riding-in-tandem sa QC, sugatan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
College student lumaban nang tangkang nakawan ng riding-in-tandem sa QC, sugatan
MAYNILA (UPDATE) -- Sugatan ang isang 20-anyos na freshman student nitong Biyernes nang labanan ang magnanakaw na riding-in-tandem habang naglalakad pauwi na sana ng kanyang bahay sa Barangay Quirino 2-B sa may Anonas, Quezon City.

Nagtamo ng sugat sa ulo, kanang kamay, at kaliwang paa ang lalaking biktima nang makipaghilahan sa suspek na bumaba umano ng motorsiklo para hablutin ang kanyang bag na may lamang phone at wallet bandang 9:30 ng gabi.

Kita pa sa mga larawan na ibinahagi ng biktima ang duguan niyang ulo at mga sugat ilang minuto matapos mangyari ang krimen.

Kuwento niya, tinutukan siya ng baril para ibigay ang kanyang bag pero hindi pumayag ang biktima at nakipagmatigasan sa suspek.

"Noong nandoon na ko sa kalagitnaan, nagulat na lang ako may naka-park na riding-in-tandem na black motorcycle na may touch of red. Biglang bumaba yung angkas tapos tinutukan ako ng baril habang hawak sa kuwelyo," sabi ng 20-anyos.

"Sabi sa akin ibigay ko phone ko o kung hindi ipuputok niya [‘yung baril]. Di ko alam kung anong reaction ang gagawin ko so nakipaghilahan ako sa cellphone ko tapos noong pasigaw na ako, sinuntok ako sa sikmura para hindi ako makasigaw pero nakasigaw pa rin ako. So ang ginawa nila, hinampas ako ng baril sa ulo tapos tinulak ako patalikod," dagdag ng biktima.

Hindi na nakuha ng estudyante ang plate number ng motorsiklo at naka-helmet naman ang mga suspek at nakatakip ang mukha.

Hagip naman sa CCTV ng barangay ang pagpasok ng biktima sa kalsada kung saan nangyari ang krimen. Maya-maya pa, makikita na kumaripas na ang riding-in-tandem.

Sa isang anggulo naman ng CCTV, makikita na iba na ang suot ng mga suspek wala pang isang minuto nang dumaan sa isang main road palayo ng barangay.

Dali-dali naman umano ang takbo ng biktima sa kanyang bahay, na ilang metro lang ang layo sa insidente, para humingi ng saklolo at dito na siya dinala sa ospital.

Grabe ang pangambang dinulot ng insidente sa biktima at kanyang pamilya, lalo na't unang beses umano ito nangyari sa kanya.

"Parang hindi ko na kaya maglakad sa mga pavement. Parang much better na magpahatid-sundo. Natatakot na rin ako maglakad pauwi… Mas better na mag-stay at home na lang ako kasi nakakatakot na," aniya.

Paliwanag ng biktima, mas pinili niyang maglakad mula sa Katipunan Station ng LRT-2 hanggang sa kanyang bahay para makatipid sa pamasahe.

"Bilang estudyante, okay lang magtipid pero huwag na huwag na kayong magtitipid kapag sa transportation kasi hindi natin alam kung ano ba ang meron sa kalsada kaya mas better kung mag-commute na lang," sabi niya.

Nanginig umano sa takot ang kaniyang tiyahin nang makita ang kanyang sitwasyon. Nananawagan din siya sa pulisya at sa barangay na tugisin ang mga suspek.

"Nabahala ako dahil may baril. Akala ko hindi na siya bubuhayin ng riding-in-tandem. Sabi ko ibigay mo na lang yung cellphone mo kaysa barilin ka nila… Nanlalamig ang buong katawan ko kasi ito ay first time mangyari," sabi ng tiyahin.

"Di bale na ang cellphone, makakabili naman, pero ang buhay mo, patay ka nga pero ang cellphone nandiyan – aanhin ko yung cellphone mo?" aniya.

Sabi ni Oscar Reyes, kapitan ng Barangay Quirino 2-B, pag-iigtingin nila ang pagroronda sa barangay lalo na kapag gabi. Sinisikap din ng barangay nila na paramihin pa ang CCTV.

Nakita umano niyang duguan ang biktima kaya agaran siyang nagpatawag ng ambulansya para madala sa pagamutan.
Nakita umano niyang duguan ang biktima kaya agaran siyang nagpatawag ng ambulansya para madala sa pagamutan.
ADVERTISEMENT
"Dati na kami nagko-conduct ng foot patrol pagdating ng 10 p.m…. Hindi inaasahan ang nangyari doon. Basta ang ano namin, gabi-gabi kaming nagro-roving," sabi ni Reyes sa ekslusibong panayam sa ABS-CBN News.

"Patuloy ang aming pag-iimbestiga, pag-ano ng CCTV para makita namin o makilala kung sino ang mga gumawa ng krimen sa biktima," dagdag ng opisyal.

Sabi ng Quezon City Police District, patuloy nilang tinutugis ang mga suspek at iniimbestigahan ang insidente.