Sandamakmak na basura iniwan ng matinding pagbaha sa Maynila

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sandamakmak na basura iniwan ng matinding pagbaha sa Maynila

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Nanlumo ang residente na si Catalina Madrid habang pinagmamasdan ang nasira nilang bahay na nalubog sa baha sa Sta. Mesa, Maynila nitong Miyerkules.

Ilang oras aniya silang na-trap sa second floor dahil sa bilis na pagtaas ng tubig. 

"Hindi po kami makababa, tingnan niyo po giba-giba yung sa loob. Nanghihingi lang po kami ng pagkain, binigyan lang po kami ni kagawad ng tinapay," ayon kay Madris.

Puwersahang inilikas ang mga residente matapos umapaw ang tubig sa katabi nilang San Juan River kaya umabot hanggang lagpas-tao ang baha.

ADVERTISEMENT

"Medyo nataranta po kasi yung pamilya ko nasa taas eh. Lumalalim ng lumalalim yung tubig baka kako madamay yung pamilya ko sa baha. Kasi second time ko ma’am e. Naulit na naman," ayon sa residenteng si Noriel Sumulat.

Ayon sa barangay, higit 200 pamilya ang naapektuhan. Sa paghupa ng baha, problema naman nila ngayon ang gabundok na basura.

 "Ito po kasi lugar namin, ito yung pinakamababa kaya maliban po dun sa mga basura ng households po, mga basura sa kalapit na lugar dito po siya bumabagsak. Pag-ikot niyo po bundok ng basura," ayon kay Kagawad Marichu Sieja ng Barangay 598.

Tumulong sa paghahakot ng basura ang Manila Department of Public Services.

Tambak din ng basura ang baybayin ng Manila Bay Dolomite beach dahil sa malakas na alon at ihip ng hangin.

ADVERTISEMENT

Libo-libong sako ang nahakot at dadalhin sa sanitary landfill.

Samantala, nalubog din sa baha ang Lagusnilad underpass matapos magbara ng mga dahon at basura sa mga pump.

"itong lagusnilad parang catch basin po ito so pag-agos po ng tubig, yung sediment po, maiiwan. Pag huminto na yung agos, titining po sa ilalim yan. Nahigop po yun ng ating mga pump at nagsilbing bara po sa kanila. (Jc) Ngayong araw po, pipilitin natin madaanan po,' ayon kay Director Arnel Angels ng MDRRMO.

Binuksan ang Lagusnilad sa trapiko matapos maalis ang tubig at basura kanina hapon.

Sa ulat ng MDRRMO, kalahati ng mga lugar sa Maynila ang naapektuhan ng pagbaha at umabot sa higit apat na libong pamilya o dalawampung libong indibidwal ang inilikas.

ADVERTISEMENT

"Yung atin pong ulan na binagsak po dito sa kalupaan ay hindi po kaagad makakalabas sa manila bay, nagsalubong po sila. Kaya po ang nangyari po pati po mga ilog natin ay nagsiapaw.," ayon kay Angeles. 

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pag-aabot ng tulong sa mga nasalantang pamilya.  

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.