MMDA umalma sa viral video ng lisensyang pinunit umano ng enforcer

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA umalma sa viral video ng lisensyang pinunit umano ng enforcer

Jeff Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Ipinagtanggol ng Metropolitan Manila Development Authority ang isang traffic enforcer nito na pinaratangan ng pagpunit sa driver's license ng isang motorista, Lunes.

Sa video na nag-viral sa social media, sinabi ng motorcycle rider na si Ronan Pastrana na hinuli siya ni MMDA traffic constable Gilbert Rafal sa Commonwealth Avenue, Quezon City dahil sa over speeding.

Ani Pastrana, ipinakita niya ang kanyang expired na lisensya kay Rafal pero pinunit umano ito ng traffic enforcer, kahit pa nakapagpakita ang motorista ng official receipt para sa kanyang bagong lisensya.

Gayunman, lumabas sa imbestigasyon ng MMDA na hindi totoo ang paratang ni Pastrana lalo't nakuha nila ang buong lisensya nito.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman din ng MMDA na nagpanggap bilang pulis si Pastrana at sinubukan pang suhulan ang traffic enforcer.

Ayon kay Bong Nebrija ng MMDA, naapektuhan ng viral video ang reputasyon ng kanilang traffic enforcer na ginagawa lamang umano ang trabaho.

Dagdag niya, ilang araw nang hinihimok ng MMDA na magsampa ng formal complaint ang motorista, pero hindi pa ito nakikipag-ugnayan sa kanila.

Deactivated na rin aniya ang Facebook account ni Pastrana.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.