Netizen, humanga sa lalaking buwis-buhay na sumagip sa asong nahulog sa ilog
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Netizen, humanga sa lalaking buwis-buhay na sumagip sa asong nahulog sa ilog
ABS-CBN News
Published Feb 25, 2021 07:11 PM PHT

MAYNILA - Ibinahagi ng isang netizen ang ginawang pagsagip ng isang lalaki sa alagang aso na nahulog sa rumaragasang tubig sa ilog sa Barangay Captain Claudio sa Toledo City, Cebu noong Lunes.

Ayon kay Japh Malak, dahil sa bagyo, sobrang lakas ng agos sa ilog. Nakita niya si Alexander Pardillo, isang barangay police, na tumutulong na maitawid ang mga residente sa kabilang bahagi ng ilog.

“Nung hinatid niya yung bata at babae, sumunod yung aso niya ang pangalan si Dodo,” sabi ni Malak sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga.

Pero hindi na daw dapat susunod pa sa pagtawid ang aso kaso nagulat ito sa sigaw ng isang lalaki.
Pero hindi na daw dapat susunod pa sa pagtawid ang aso kaso nagulat ito sa sigaw ng isang lalaki.
ADVERTISEMENT
“Parang ginulat ng isang lalaki nasa tabi ko sabi “hoy!” Natakot yung aso, tumalon sa malakas na agos ng tubig, nahulog yung aso,” sabi niya.

Na-video ni Malak ang pagkakasagip ni Pardillo sa aso at ibinahagi niya ito sa kaniyang Facebook page. Ang naturang post ay umani ng higit 1.6K na reaksiyon at higit 2.3K na shares.

“Nakita ko si Tatay na buwis-buhay na sinulong niya yung malakas na agos ng tubig,” sabi ni Malak.

Sa parehong panayam, ikinuwento ni Pardillo na maging siya ay nagdalawang-isip sa pag-sagip sa alaga dahil sa malakas na agos ng tubig ng ilog.

Pero naawa rin siya nang makitang ginagawa lahat ng alaga ang makakaya para hindi tuluyang lumubog sa tubig.
Pero naawa rin siya nang makitang ginagawa lahat ng alaga ang makakaya para hindi tuluyang lumubog sa tubig.
ADVERTISEMENT
Sabi ni Malak na naglakas-loob si Pardillo na sumulong sa ilog para mailigtas ang aso kahit pa delikado.

Marami rin aniyang nagkomento sa kaniya kung bakit nag-video lang siya at hindi tumulong sa pag-rescue sa aso.

"Gusto ko rin tumulong kaso naisip ko din tutulong ako baka kaming dalawa yung sasagipin ni Tatay, hindi rin ako marunong lumangoy," sabi niya.

May katangkaran rin aniya si Pardillo at umabot ng halos hanggang dibdib nito ang lalim ng tubig sa ilog.

"Lalo na ako, siguro lampas na sa akin," saad niya.
"Lalo na ako, siguro lampas na sa akin," saad niya.
ADVERTISEMENT
Kuwento ni Malak, ang pagkuha ng video ang naisip niyang tulong para ma-inspire ang ibang tao.

"Pag iba ang makakita noon, pabayaan na, aso lang yan. Kahit aso sila may buhay po yang mga yan,” sabi niya.

- TeleRadyo 25 Pebrero 2021
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT